^

Pang Movies

Ariella nagkuripot sa boyfriend na basketbolista!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Very proud ang basketball player/actor na si Ervic Vijandre sa kanyang ‘special friend’ na si Ariella Arida who placed fourth in the recent Miss Universe contest.

Inamin ni Ervic na nagkausap sila ng beauty queen, pagkatapos manalo ng third runner-up sa Mos­cow, Russia. She is celebrating her birthday next week at may nakahandang regalo si Ervic para kay Ariella.

Ang aktor naman, hindi naghihintay ng pasalu­bong from Moscow dahil alam niyang kuripot si Ariella. Ang hinahangaan niya sa Miss Universe runner-up ay ang pagbibigay ng inspirasyon sa mga tao upang matupad ang kanilang mga pangarap.

Pangako pa ni Ervic, malalaman natin ang real score sa kanilang dalawa pagdating ni Ariella.

Erap pinasasalamatan sa monumento ni Lacson pero Capitol Theater tuluyan nang wawasakin

Pinapurihan ng mga Manileño ang kanilang alkaldeng si Joseph “Erap” Estrada sa restoration ng bronze statue ng minamahal nilang yumaong mayor na si Arsenio Lacson. Siyempre special ang pa­sasalamat ng mga kamag-anak sa dating city exe­cutive kay Erap.

Sa pagliligtas ng isang simbolo ng lungsod ng Maynila, isa namang mahalagang gusali ang nagba­bantang mawala. Malapit na ang demolition ng Capitol Theater na isang landmark sa Escolta, Manila. Ang art deco theater ay designed by National Artist for Architecture Leandro Locsin.

Gagawing mall ang sinehan kaya’t mababawasan na naman ang mga makasaysayang building sa Escolta street, na dating sentro ng komersiyo ng Maynila. Hindi natin alam kung mapipigilan pa ni Mayor Erap ang paggiba sa capitol.

Gay celeb tinaob ang puhunang ganda, dyowang poging aktor naagaw ng closet queen na mapera

No match ang ganda ng isang gay celebrity sa kayamanan ng isang closet queen. Akala kasi ay ayos na ang kanyang kagandahan pero madaling nagayuma ang poging aktor sa mga mamahaling regalo ng rich and generous kafatid.

Pampalubag loob na lang ng nasulot, “Nauna naman ako at tagasalo lang siya.”

Pero lumuluha ang bading dahil mahal niya ang inagaw sa kanya!

Kylie kinilig sa sobrang selos kina kris at aljur

Say ni Kylie Padilla, kinilig siya habang pinapanood na sweet na nag-duet sina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa recent concert ng huli.

Ngayon lang nating nalaman na nakakakilig pala ang selos! Mukhang malapit na ang isa pang showbiz breakup?

Pauleen TODO TRABAHO KAHIT SINASABING MAY sugar daddy

Pagod na si Pauleen Luna sa kapapaliwanag sa relasyon nila ni Vic Sotto at mga buntot na paratang na pera lang ng komedyante ang kanyang habol.

“Masipag akong magtrabaho upang kumita ng sarili kong pera,” say ni Pauleen.

Talagang maniniwala tayo sa mga bintang kung walang trabaho si Pauleen. Sa rami ng kanyang mga assignment, meron pang mga commercial endorsement, hindi niya kailangan ang isang sugar daddy.

Lea lagare sa fund-raising shows

Hinihintay na ang solo concert ni Lea Salonga on Dec. 6 and 7 at the PICC, called Playlist.

Ang forthcoming show will celebrate her 35 years in showbiz. Part of the proceeds will be donated to Typhoon Yolanda’s victims. Before her own show ay kasali pa rin si Lea sa Jammin For Help show to raise funds for the relief of the victims and survivors in different parts of the country.

Nakatakda ring magkaroon ng fund-raising concert on Saturday at the Smart Araneta Coliseum ang ABS-CBN.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARCHITECTURE LEANDRO LOCSIN

ARIELLA

CAPITOL THEATER

ERAP

ERVIC

MISS UNIVERSE

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with