^

Pang Movies

Marian naka-take 2 sa Ginebra, pero mas seksi at malandi ngayon!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Higit na mas seksi at mapang-akit ang poses ni Marian Rivera bilang 2014 Ginebra San Miguel calendar girl kumpara nu’ng una siyang naging modelo last 2009. Lutang na lutang ang pagiging relax niya sa tatlong pictures na kinunan sa Batangas, Palawan, at Boracay.

Bale sa babaeng artistang naging calendar girl ng GSM, tanging si Marian lang ang naka-take two, huh!

“Siyempre, nagpapasalamat ako sa pangalawang pagkakataon dahil naging member ako ng Ginebra family. 180 years na sila at thankful ako’t kinuha nila uli ako,” saad ni Marian sa press launch ng calendar niya.

So ano ang pagkakaiba ng 2009 calendar niya sa lalabas na 2014 calendar niya?

“Nu’ng 2009 calendar ko, sobrang…medyo conservative. More on shorts ako doon at may nakabalabal. Ito sa pagkakataong ito, literal na two-piece ang ginawa ko,” pahayag ng GMA Primetime Queen.

Paano siya napapayag na mas maging daring at super sexy sa poses niya ngayon?

“Siguro sabihin na lang natin na sa mga pagkakataong nadaanan ko like sa FHM, ‘yung sa ibang magazines na nagawa, siguro nagkaroon na ako ng kumpiyansa sa sarili ko na gumawa ng ganito,” katwiran ni Yan Yan.

Ano ang naramdaman niya nang una niyang makita ang samples ng pictures niya?

“Masaya ako sa resulta at ang maganda sa Ginebra, hindi nila agad nilabas ‘yan. Pinapakita muna nila sa akin kung ano ang masasabi ko at lahat kami nagkasundo na okey sa akin,” tugon niya.

Sa tatlong pictures, meron yellow ang two piece niya, may red at may white na labas ang kilikili. Sa tatlo, ‘yung pose na yellow ang swimsuit ang gusto niyang ibigay kay Dingdong.

“ ‘Yung naka-yellow kasi sweet lang siya!” sambit ni Marian.

Sa pose niyang red ang swimsuit, feeling niya, “Mahal ako! Ha! Ha! Ha!”

‘Yung naka-white two-piece naman, “Maputi ang kilikili ko! Ha! Ha! Ha!”

Ang tambok pala ng ibaba niya, huh!

“Hindi naman! Ha! Ha! Ha! Ano ba?” bulalas ni Yan Yan.

Baka may padding o kadera ang swimsuit niya, huh!

“Ano ka ba? Tanghaling tapat!” tili ni Marian!

Pagdating naman sa bagong drama series, magsisimula na si Marian ng taping kung saan si Alden Richards ang isa sa makakapareha niya. Uunahin muna niya ito at saka susundan ng isang bagong sitcom.

Cristina ayaw nang patulan ang mga naninira

Nakatulong  ang pagdarasal ni Cristina Gonzales habang inililigtas ang sarili’t dalawang anak na babae upang maligtasan ang storm surge na kanilang sinuong nu’ng kasagsagan ng bagyong Yolanda. 

Marunong din sa swimming ang mga anak niya dahil malapit ang bahay nila sa dagat kaya ginamit nila ang karunungang ‘yon upang makaligtas.

Ayon kay Cristina nang humarap sa entertainment media after ng delubyo, wala siyang pakialam kung gapangan man sila ng dagat, kapitan ng mga dumi at makainom ng tubig-baha basta lang makaligtas sila.

Gayunpaman, napunta na nga sa bingit ng kamatayan nu’ng bagyo, may mga paninira pa rin sa kanilang mag-asawa kung saan mayor ng Tacloban City ang asawang si Alfred Romualdez.

“Mas mabuting magtulungan na lang tayong lahat kesa magsiraan pa!” katwiran ni Konsehala Cristina.

                                                                  

vuukle comment

AKO

ALDEN RICHARDS

ALFRED ROMUALDEZ

ANO

CRISTINA

CRISTINA GONZALES

NIYA

YAN YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with