^

Pang Movies

Kaya hasang-hasa na sa pagpo-project nanalong Miss U TV presenter sa Venezuela Ariella nagmukhang endorser ng shampoo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May hawig sa bibig ni Na­nette Medved ang bibig ni Gab­riela Isler, ang Venezuelan na nag-win na Miss Universe.

Maganda at malakas ang dating ni Gabriela na presen­ter pala sa isang TV station sa Ve­ne­zuela kaya sanay siya na mag-project at humarap sa maraming tao.

 Parang endorser naman ng shampoo si Ariella “Ara” Arida ng Pilipinas dahil sa kanyang long black silky hair. Umangat ang kagandahan ni Ara dahil sa simpleng ayos at medyo manipis na ang kanyang dating makapal na makeup.

Okay sa akin ang sagot ni Ara sa tanong sa kanya. Kabadung-kabado ang mga Pinoy sa pagsagot ni Ara dahil sa intriga na may problema sa kanyang communication skills pero nalampasan niya ang nakakatensyon na portion ng beauty contest.

TV personality napuyat sa pagdadasal para sa dila ni Ariella

Wala akong makita na masama sa tweet ng isang show­biz personality na “Holy Spirit, bless her tongue please!”

Napuyat ang showbiz personality sa panonood ng Miss Universe at nang malapit na ang tanungan portion, nag-tweet siya na i-bless ng Holy Spirit ang dila ni Ara.

Nagpakatotoo lang ang showbiz personality. Knowing her, maganda ang kanyang intensyon dahil sa kagustuhan niya na mag-win sa Miss Universe ang ating kandidata. Mukhang napakinggan ang dasal ng showbiz personality dahil pasado sa lahat ang sagot ni Ara na hindi nagpahalata na kinakabahan.

Iniintriga namang buntis si Miss Universe 2012 Olivia Culpo dahil malaki ang tiyan niya. Baka naman hindi lang fit kay Olivia ang gown na ginamit niya kaya napagkakamalan na buntis siya.

At kung totoo man ang mga tsismis na buntis si Olivia, walang problema dahil tapos na ang mga obligasyon niya sa Miss Universe. Libre na siya na gawin ang lahat ng gusto niya.

Kapatid network kumilos sa mga dinurog ng bagyo

Mabilis na kumilos ang mga TV network para ma­tulungan ang mga kababayan natin na biktima ni Super Typhoon Yolanda.

Live kagabi ang The Mega and the Songwriter pero imbes na magkantahan ang mga host, isang telethon ang nangyari para makalikom ng salapi ang TV5 mula sa televiewers na may golden heart.

Sumali sa telethon ang lahat ng mga contract star ng Kapa­tid Network bilang pakikiramay sa mga biktima ni Typhoon Yolanda.

Kontrobersiya ni Arnold natuldukan na

Hindi na pinag-uusapan ang kontrobersiya na kinasangkutan ni Arnold Clavio dahil natabunan ito ng isyu ng pagharap ni Janet Lim-Napoles sa mga senador na natabunan naman ng mga balita tungkol kay Super Typhoon Yolanda.

Dedma na sa isyu ni Papa Arnold ang mga Pinoy dahil mas mahalaga para sa kanila na matulungan ang mga kababayan natin sa Leyte pero sure ako na muling mauungkat ang isyu tungkol kay Mama Jenny dahil wala pa itong closure.

Natapos agad ang isyu ni Papa Arnold dahil sa pag­­hingi nito ng paumanhin sa mga na-offend sa in­ter­view niya kay Atty. Alfredo Villamor, ang abo­ga­do ni Mama Jenny.

vuukle comment

ALFREDO VILLAMOR

DAHIL

HOLY SPIRIT

MAMA JENNY

MISS UNIVERSE

PAPA ARNOLD

SHY

SUPER TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with