^

Pang Movies

Ang tunay na buhay ni Dingdong Dantes ilalantad!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Samahan si Rhea Santos na silipin ang Tunay na Buhay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ngayong Sabado ng gabi, Nobyembre 9.

Iñaki, Carlos Miguel, Ybrahim, Sergio, at Fredo ang ilan lang sa tumatak na roles na ginampanan ni Dingdong sa GMA. Ipinanganak noong August 2, 1980, si José Sixto Raphael González Dantes o mas nakilala bilang Dingdong Dantes, ang panganay sa limang magkakapatid.

Bata pa lamang si Dingdong ay nakitaan na siya ng potensiyal para maging artista. Sa katunayan, dalawang taon pa lamang siya nang gawin niya ang kanyang unang commercial. Mula sa pagiging commercial model, naging miyembro rin siya ng Abztract Dancers, naging de kalibreng aktor, host, at director, at ngayon ay isa na ring producer. Ang teleser­yeng Genesis ang bago niyang pinagbibidahang proyekto ngayon na ayon sa kanya ay isa sa pinaka-challenging na karakter na kanyang ginampanan. 

Ngayon Sabado, ikukuwento ni Dingdong ang kanyang mga karanasan sa buhay at showbiz, at ipasisilip din niya ang kanyang bahay sa unang pagkakataon sa telebisyon. Magbabahagi rin siya ng kuwento tungkol sa halos apat na taon nilang relasyon ni Marian Rivera.

Huwag palampasin ang Tunay na Buhay ngayong Sabado ng gabi, Nobyembre 9, sa GMA.

 

vuukle comment

ABZTRACT DANCERS

BUHAY

CARLOS MIGUEL

DINGDONG DANTES

KAPUSO PRIMETIME KING

MARIAN RIVERA

NGAYON SABADO

NOBYEMBRE

RHEA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with