^

Pang Movies

Young actor walang senyales ang kabaklaan pero sobra kung makipagromansa Sa kapwa lalaki

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maraming nag-akala na purong lalaki ang isang young star, say pa nila, never nilang nabalitaan na pumatol ito sa tukso ng mayayamang beki. Wala naman nagduda na homophobic siya.

Sa isang party nagkita ang young actor at isang macho star, nagkasabay silang magla­sing. Nang malango ay nagkayayaang umuwi. Sumabay ang teen actor sa macho. Sa pag-uwi ay astang lalaki pa rin ang bida.

Pagpasok sa room ng macho, bigla ang transformation. Naging berdaderong beki siya.  Nagulat ang macho, dahil mas girlie pa pala ang young star sa kanya, in private na may kasamang kapwa lalaki.

 Daig pa ang napapanood natin na M2M sa husay ng teener sa kama. Pamintuan (naglalaki-lalakihan) lang pala siya in public!

Charice gustong unahan sa pagpapakasal si Aiza

Mukhang seryoso naman si Charice Pempengco na magpakasal sa kanyang live-in partner. Siyempre pupunta sila sa New York City for the legal cere­mony. Nasa hustong edad na naman sila, kaya hindi na kailangan ang approval ng mga parents. Puwede naman silang kumuha ng mga kaibigan as witness.

Kapag naganap na ang kasalan, pangako ni Charice, higit na makikita ng mga tao kung paano siya magmahal.

Kung  mauunahan pa ni Charice magpakasal sina Aiza Seguera and partner, sila na ang unang tiboli na makakasal dahil wala naman yatang balak sina Aiza.

Ynna malabo ang mga sinabi tungkol kay Derek

Maraming umaaway kay Ynna Asistio sa social network sites, nang lumabas na siya ang dahilan ng break-up nina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Say ng dating girlfriend ni Mark Herras, alam niya ang totoo, pero wala naman denial sa pagdawit sa kanya sa away nina Cristine at Derek.

Curious tuloy tayo kung ano ang totoong sinasabi ni Ynna. Baka ang totoo, si Derek naman ang dahilan ng pag­hiwalay niya kay Mark!

Sana magsalita both sina Cristine at Mark, tungkol dito.

Thy Womb kasali sa 14 best films na ipalalabas sa Germany

Kasali ang Thy Womb ni Brillante Mendoza sa 14 na piling-piling mga pelikula na ipapalabas sa Jewels of World Cinema, sa Berlin, Germany on Nov. 2 to Dec. 7.

Isa ang Thy Womb sa 14 best films, kasama ang likha ng mga worldwide filmmakers Ashgar Farhadi, Ethan Coen, at Rith Panh.

Dating aktor na si Renato del Prado sa Amerika na ililibing

Condolence sa aming kasamahan sa trabaho na si Pilar Matteo, sa pagpanaw ng kanyang amang si Renato Del Prado sa California noong Nov. 1st. May colon cancer ang beteranong aktor.

Ilan sa mga nakasamang artista ni Renato ay sina Dolphy, Nora Aunor, Amalia Fuentes, at Lito Lapid, Yumao siya sa edad na 73 at ililibing sa isang memorial park sa California ang dating aktor.

Bagong Romeo and Juliet palabas na, halF Pinay bida

Palabas na sa mga sinehan ang latest version ng Romeo & Juliet ni William Shakespeare. Ang Fil/Am young actress na na-nominate sa Oscars ang gumanap na Juliet sa bagong version, with Douglas Booth as her Romeo.

Ang favorite namin sa mga nagpapel na Juliet ay si Olivia Hussey, na partner naman ni Leonardo Di Caprio as Romeo.

Nagkaroon na rin pala ng Pinoy version ng Romeo & Juliet, hindi na lang namin matandaan kung sino ang mga gumanap.

Pati ang stage ver­sion ng immortal Shakes­peare play maraming ulit na rin naitanghal sa ating bansa with Pinoy stage performers.

 

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERA

CHARICE

DEREK

NAMAN

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with