^

Pang Movies

Raymart ang daming sakit, panay ang bisita sa mga doktor

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Isang very close kay Raymart Santiago ang nagbulong na maraming iniindang sakit sa katawan ang aktor.

Nadadalas ang check-up ni Raymart sa doctor, upang makasigurado na hindi siya magkakasakit ng grabe. Say pa ng friend ng aktor, tiyak galing ang lahat sa over stress o pressure ng ba­ngayan nila ng misis na si Claudine Barretto.

Si Claudine naman, laging nakangiti at mukhang defiant, tuwing haharap sa camera o magpapakita sa publiko. Tila kayang-kaya niya ang lahat, higit pa kay Raymart.

Paulo feeling BF na ni KC

Paulo Avelino is out telling the whole world that he and KC Concepcion is on the dating stage. They met two years ago at sa mga pahayag ng aktor na may lovechild kay LJ Reyes, ipinahihiwatig niya he and KC are more than just friends.

Say pa ni Paulo, he is not the jealous type kaya hindi siya galit sa NBA Player na nanliligaw kay KC.

Bea kinaiinggitan daw?

Tinitiyak ni Bea Binene na totoo ang break-up nila ni Jake Vargas, a few months ago. Kahit wala siyang commitment, hindi pa siya nakahanda sa isang bagong relasyon.

Tahimik lang ang mga kasama ni Bea na female teen stars sa GMA 7. Ang kanyang mga karibal sa network, ayaw magbigay ng comment. Baka pagbintangan uli sila na naiinggit lang kay Bea.

Narinig nga ng isang Kapuso ang isang nagsabi “Bakit ako ang maiinggit sa kanya, sikat na ba siya?” Obvious naman na inggit ka lang iha.

Thy Womb ni Nora panonoorin ng mga taga-Golden Globe

Nag-commit ng kayang full support ang producer na si Dean Devlin (ng Independence Day at Godzilla) sa kampanya ng Pinoy foreign language film entry sa 2014 Oscars. May dugong Pinoy si Dean at hangang-hanga siya sa husay sa pagkagawa ng Transit.

Sa mga Hollywood insiders, familiar ang pangalan ni Dean at marami siyang kaibigan sa mga Academy voting members. Isang tawag lang ni Dean, tiyak na susuporta ang kanyang nakausap.

Sa ngayon ay maraming pumupuri sa Transit at lumalakas ang laban niya sa ibang foreign films.

Higit na nagkakaroon ng chance na makasali siya sa limang finalist for the said category.

Narinig naman naming ang balita na ang Thy Womb ay panonoorin sa Golden Globe Awards, na bigay ng foreign press Association sa Hollywood.

Aktres suka nang suka nang madiskubreng may kasosyo ang karelasyon sa pagpapatayo ng bahay

Dati pinupuri ng isang young actress ang kanyang actor boyfriend sa pagiging masinop sa pera at kabuhayan. Noon kasi nagpapatayo na ng isang magarang bahay ang kanyang boyfriend.

Nang matuklasan niyang isang thunder but very rich beki ang gumagasta for the dream house, buong araw nagka-nausea fits ang aktres, sa sobrang sama ng loob. Tuluy-tuloy ang kanyang pagsusuka nang matuklasan na isang bading ang kasosyo niya sa pagmamahal!

Siyempre nag-move in na ang aktres with her new boyfriend. Ang dating boyfriend naman niya linked na sa isang pretty starlet, but goes on with his affair sa kanyang donyang beking benefactor.

Jake tanggap pag binasted ni Jessy

Alam ni Jake Cuenca na marami siyang karibal sa panliligaw kay Jessy Mendiola. Ang sexy actress ang flavor of the season, kaya’t pinagkakaguluhan siya ng mga bubuyog.

Nakahanda naman si Jake na mabasted ni Jessy. Kung sakaling hindi siya ang nagwagi, alam na ng aktor ang kanyang dapat gawin. Ibabaling niya ang atensyon sa ibang chicks.

“Marami naman magagandang babae diyan, para mahandugan ko ng mga gusto kong ialay sa aking mamahalin,” say ni Jake Cuenca.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

CLAUDINE BARRETTO

ISANG

JAKE CUENCA

SIYA

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with