^

Pang Movies

Iwa hihintayin pang mag-6 months ang anak bago pabinyagan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-celebrate na sina Iwa Moto at Pampi Lacson ng first month ng kanilang baby na si Hiromi Eve o Baby Mimi last Oct. 23. Nang makapanayam namin ang aktres ay masayang-masaya siya dahil everyday ay may nakikita siyang bago sa anak.

Kahit nga raw mahirap ang maging isang first-time mom ay sinusubukan ni Iwa na maging isang mabuting ina.

“Sarap alagaan ng baby pero siyempre kapag umiyak na doon ka natataranta. Hindi pa naman ako masyadong nakakapag-adjust kasi nandiyan ang napupuyat ka, worried ka kapag iyak nang iyak ang baby, pero alam ko na part ‘yun ng pagiging isang mother.

“Papunta naman na ako roon. Paunti-unti. Lahat naman ng gagawin ko si Mimi ang lagi kong inuuna at iniisip,” pahayag ng aktres sa pagiging ina na.

Ngayon nga lang daw na-realize ni Iwa na tama ang mga pangaral sa kanya ng ina noong dalaga pa siya.

“Akala ko basta makapag-sermon lang siya, mapagsabihan niya ako, sasabihin na ganito kahirap ang maging isang ina. Eh totoo naman pala lahat. Sana nakinig ako ng mabuti, ‘di ba?

“Pero thankful ako kay mama kasi nandiyan siya parati sa tabi ko lalo na noong ipinagbubuntis ko si Mimi. Hindi niya ako iniwan kaya ang laki ng pasa­salamat ko sa kanya,” sabi ni Iwa.

Pabibinyagan nina Iwa at Pampi si Baby Mimi kapag six months na raw ito. May mga napili na silang mga ninong at ninang.

Gusto rin nga raw magpapayat na ni Iwa basta mabigyan siya ng approval ng kanyang doctor.

“Nagpapa-breastfeed pa kasi ako kaya siguro after two months pa ako puwedeng mag-diet at mag-workout ulit.

“Miss ko na rin ang magtrabaho kaya kapag okay na akong mag-diet go agad ako sa gym para magpapawis, para pumayat agad,” sabi pa ni Iwa.

Rocco sinayang ang tsansa sa Singapore

Dahil sa magkakasunod na trabaho kaya hindi napayagan si Rocco Nacino na gawin ang isang role sa hit Singapore series na Point of Entry.

Sabay sila ni Bela Padilla na nag-audition sa Singapore at pareho silang pumasa. Nagsimula nang mag-taping si Bela samantalang si Rocco ay sinabihan na kailangan ay priority niya ang kanyang trabaho ngayon sa GMA 7.

Bukod sa primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas at Sunday All Stars, may bagong show ang aktor with Mariz Umali, ang Out of Control, na magiging kapalit ng Bingit.

Tinatapos din ni Rocco ang pelikulang San Pedro Calungsod na isa sa official entries ng 2013 Metro Manila Film Festival.

The Jonas Brothers buwag na

Ginawa nang official ng The Jonas Brothers na mabubuwag na sila.

Pagkatapos makansela ang kanilang 19-day tour dahil sa “creative rift in the band,” inamin na nina Kevin, Nick, at Joe Jonas sa People magazine na sila ay “officially breaking up.”

“It’s over for now,” say ni Kevin.

“It’s really hard to say ‘forever,’” diin naman ni Nick.

 â€œWe’re closing a chapter, for sure. It was a unanimous decision,” pahayag naman ni Joe.

Si Nick ang unang nagpakita ng concern para sa future ng kanilang band.

 Say niya, “I was feeling kind of trapped. I needed to share my heart with my brothers.”

Si Kevin is expecting a baby girl soon pero ayon sa representative ng banda ay wala raw iyong kinalaman sa pagkakaroon ng problema sa pagsasama ng magkakapatid.

Nabuo ang bandang The Jonas Brothers noong 2005. Ipinanganak at lumaki sa New Jersey, USA ang mga musikero na mabilis sumikat.

 

vuukle comment

AKIN PA RIN ANG BUKAS

AKO

BABY MIMI

BELA PADILLA

HIROMI EVE

IWA

IWA MOTO

JONAS BROTHERS

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with