^

Pang Movies

Rico Blanco at Rocksteady makikipagbakbakan sa Sundown Music Festival

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ang Sundown Music Festival na itatanghal sa Marina Promenade, Singapore on Nov. 16 ay nilahukan ng walong bansa  â€” Japan, Korea, Hong Kong, China, Taiwan, Indonesia, Thailand, at Philippines.

Sina Rico Blanco at Rocksteady ang kinatawan ng ating bansa, sa big event na dinarayo ng lahat ng bansa sa Southeast Asia.

Mga sikat na Kpop artists ang mula sa Korea at mga Mandapop exponents naman ang manggaling sa China at Taiwan.

Male showbiz personality ibinigay lahat ng share sa yaman ng asawa

Humanga kami sa isang showbiz personality nang humiwalay sa kanyang super rich wife. Iniwan niyang lahat ang kayamanan at kung anuman conjugal property sa nag-iisang anak na binata nilang mag-asawa.

That time, tapos na ng masteral degree ang only son at katulong nang namamahala ng kanilang malalaking negosyo.

Palibhasa’y may naipundar naman ang kilalang celebrity, kaya’t ito lang ang kanyang inangkin, nang makisama sa isang sexy and younger starlet.

Minsan kumuha ng isang short course sa isang U.S. university ang TV personality, kaya nga niya ti­nanggap ang tulong ng anak na siyang sumagot sa lahat ng  gastos ng kanyang ama sa Amerika.

Kilala sa pagiging mabuting tao ang celebrity kaya hanggang ngayon, maligaya ang kanyang buhay at walang nangyayaring usapin tungkol sa pera with his former wife. Siya ang nagpasyang, ibigay lahat ng kanyang share sa kanyang son.

Jinri nangakong hindi mag-aartista sa Korea

Iniwan na ni Jinri Park ang Pilipinas at ang kanyang show na Vampire ang Daddy Ko, upang magbalik sa kanyang pamilya sa South Korea at kumuha ng serious acting lessons.

Ang model/actress ay enjoy naman sa a­ting ban­­sa, pero na-miss niya ang kanyang Korean fami­ly. Noon pa niya gustong mag-aral ng pag-arte, pero hindi niya magawa sa busy schedule niya rito.

Tiniyak ni Jinri na hindi siya mag-aartista sa kanyang bansa at never na  bi­na­lak niya ito kahit babalik sa ‘Pinas some other time, na higit na well-equipped ang kanyang trabaho sa local showbiz.

Manila with Love concert, naglilibot sa Amerika

Ang Manila with Love concert tour ay nagsimula na kahapon sa Orange Country, California, magtatanghal today sa Solano Vallejo, San Francisco, at sa Connecticut on Nov. 3

The group composed of Jon Santos, Richard Merck, Bo Cerrudo and guest star Regine Velasquez will also be in Vancouver and Toronto, Canada the later part of November.

Katipunan the musical, mapapanood na sa Manila

Napanood na ng mahigit 100,000 sa iba’t ibang parte ng Luzon ang stage musical na Katipunan: Mga Anak ng Bayan, directed by Joel Lamangan and Jun Pablo. Magsisimula sa Nov. 5 ang Metro Manila run ng hit musical, sa selected venue, hanggang sa Montano Hall ng Cavite City.

For details and tickets, pls. call AFP Theater.

Paboritong puntahan pag Halloween walang multong nagpapakita

Sa lahat ng mga haunted places na gustong dayuhin ng mga ghost hunters this Halloween season, most familiar sa amin ang Teacher’s Camp, Baguio City.

Noong high school, doon kami lagi tumutuloy every December, ng apat na taon for the annual High School conference.

College na kami, doon pa rin ang aming leadership training, na karamihan sa aming mga trainees ay naging lawmakers, successful businessmen, and educators.

Through those years, kahit isang encounter with the paranormal hindi namin naranasan.

Kahit sabihin pang naiiwan ang bawat isa sa amin sa malaking rooms, walang naging karanasan sa multo.

Kung gagawa naman ng horror film o TV show, magandang ve-nue ang Teacher’s Camp at ang deserted Vallejo Hotel sa Pines City.

vuukle comment

AMERIKA

ANG MANILA

ANG SUNDOWN MUSIC FESTIVAL

BAGUIO CITY

BO CERRUDO

CAVITE CITY

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with