^

Pang Movies

Ayaw na ring malungko at ma-depress Luis pumiyok na sa totoong nangyari sa kanila ni Jennylyn!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Finally ay binasag na ng Kapamilya actor at TV host na si Luis Manzano ang kanyang pananahimik ukol sa status ng kanyang love life. Kinumpirma na nito ang breakup nila ng Kapuso actress girlfriend na si Jennylyn Mercado.

 â€œLife is too short to be sad. You only get a one shot in life,” saad ni Luis nang tanungin kung kumusta na siya pagkatapos ng breakup nila ni Jennylyn.

 â€œWhy get sad or depressed? Make the most out of every single day.

Ayon pa kay Luis, naiintindihan niya kung maraming manghinayang sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Jennylyn.

“Well, I guess I could understand din naman na maraming nagmahal sa relationship namin, maraming sumuporta.

“Pero things happen for a reason.

“We just have to part ways.”

May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa?

 â€œAs of now, medyo malabu-labo na talaga, ” sagot ni Luis.

Samantala, hindi pa raw nakakausap ni Luis ang kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa breakup nila ng Kapuso actress-TV host.

“Actually, I’m guessing my mom has heard about it.

“Pero hopefully this weekend, we get to sit down about it, na we really talk about it.

“Di pa namin... kumbaga, alam ko na alam niya. Kasi yung mga text niya sa akin, puno ng lambing.

“I know she knows, but to actually sit down and tell her the whole story, hopefully it’ll happen this week.” 

May ilang naghihinala na ang dahilan ng hiwalayan nina Luis at Jennylyn ay third party, ngunit mariin itong itinanggi ni Luis.

Ayon sa 32-year-old TV host, “You know, anything to do with a breakup, siguro sa dinami-dami nang lumalabas na pangalan, mga kung anu-anong issue, Jen and I know the truth.

“Siguro yun na lang ‘yung masasabi ko.

“To some degree, I’m speaking on Jen’s behalf already.

“Sa lahat ng mga naglalabasang issue, sa lahat ng naglalabasang pangalan, Jen and I know the truth.”

Ang ex-boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo ay isa sa mga naiturong dahilan daw ng hiwalayan ng dalawa.

Ngunit mariing pinabulaanan ng My Husband’s Lover star na may kinalaman siya sa hiwalan nina Jennylyn at Luis.

Naging maugong din ang balita na si Yam Concepcion na raw ang bagong girlfriend ni Luis.

Hindi naman itinago ni Luis na na-offend siya sa isyung third party daw ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngunit idinaan na lang ito sa biro ng Minute to Win It host.

“Alam mo, inaantay ko na lang talaga… ako, nao-offend ako kasi ang dami din nali-link sa ‘kin.

“Inaantay ko lang talaga na ma-link sa ‘kin si Kate Beckinsale. Yun lang, ‘yun lang sana inaantay ko.

“Please lang, pang Hollywood ‘tong mukha ko!” pagbibiro pa ni Luis.

                                               

 

vuukle comment

AYON

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

DENNIS TRILLO

JEN AND I

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAPUSO

LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with