^

Pang Movies

Paulo umaming wala na nga sila ni LJ!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ibang Paulo Avelino ang mapapanood ng mo­viegoers sa bago niyang pelikula na Status: It’s Complicated.

Ang character ni Paulo na si Jerry ay isang dorky o nerdy pero cute na graphic designer na mapapasubo sa pakikipagpalit ng lifestyle sa matalik na kaibigan at housemate na si Manny para lang makatikim ng kakaibang experience.

Masyado nga kasi siyang straight at seryoso ang pananaw pagdating sa pag-ibig, sex, at pakikipagrelasyon.

Dito niya makikilala at makakaengkuwentro ang dalawa niyang kliyente — sina Solenn Heussaff at Eugene Domingo —na pareho ring palaban at walang pakialam pagdating sa pakikipagrelasyon.

Taliwas ito sa Paulo na nakilala ng publiko bilang one-woman man.

Sa totoong buhay kasi ay matagal na ang naging relasyon ng aktor sa girlfriend na si LJ Reyes. Ilang beses na silang na-blind item na naghiwalay, lagi lang nilang idinidenay.

Pero ngayon, iba na ang eksena. Inaamin na ng actor na wala na sila ng long-time girlfriend at ina ng kanyang anak na lalaki.

Ang kaso nila ay isang halimbawa na walang kasiguraduhan ang pakikipagrelasyon at hindi basehan ang pagkakaroon ng anak para matiyak kung magtatagal o hindi ang isang pagsasama.

Maraming daring scenes si Paulo sa Status: It’s Complicated, na idinirek ni Chris Martinez at inspired ng 1980s Ishmael Bernal classic film na Salawahan.

Ilang beses siyang nagbilad ng katawan at marami rin silang maiinit na eksena nina Solenn at Eugene na ang ilan ay kinunan pa ni Direk Chris sa Boracay.

Samantala, kasama rin sa Status: It’s Complica­ted, sina Maja Salvador at Jake Cuenca na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa Nov. 6.

Meg natutuwa na pini-personal ng galit na fans

May bashers na rin si Meg Imperial ngayon at ito ay dahil kay Matteo Guidicelli. Nagalit daw sa kanya ang mga Mat-Di (Matteo-Andi Eigenmann) sa kanya pati na rin ang mga AshMatt (Sarah Geronimo-Matteo) dahil sa kissing scene nila ng young actor sa Galema, Anak ni Zuma.

“Yes, na-bash ako agad-agad,” say ni Meg nang makausap namin sa mini-presscon kahapon sa Viva Films kasama ang iba pang Viva rising beauties na sina Yam Concepcion and Danielle Castano.

“May gumawa rin kasi ng page ng Meg and Matt (sa social media) pero nagkaroon sila ng (reactions) na parang huwag daw ipilit. Nainis kasi sila dahil ako ang unang naka-kiss kay Matt sa Galema instead of Galema (Andi). Parang ‘yun ang ikinainis nilang lahat,” kuwento pa ni Meg.

Pero sa halip na magalit o ma­pikon, natuwa pa si Meg sa kanyang bashers.

“Tumatawa lang ako kasi effective si Gina (name ng karakter niya sa Galema). Effective ‘yung character ko. May mga namemersonal din pero para sa akin ikinatutuwa ko kasi galit sila kay Gina, ‘yung character ko. Eh what if tumodo pa ng pagkokontrabida si Gina? Ngayon pa lang medyo apektado na sila eh medyo mabait-bait pa siya,” reaksiyon ni Meg sa character.

Minsan daw kapag below the belt na ang pangba-bash ay nagre-reply siya pero minsan lang daw, ’pag sobra na talaga.

Mukhang puspusan ang gagawing pagpapa­sikat talaga ng Viva kay Meg dahil bukod sa ti­nanggap nila ang alok na two-year exclusive contract ng ABS-CBN para sa young actress, kasama rin ito sa bagong pelikula ni Jericho Rosales na ABNKKBSNPLAko scheduled to be shown early next year, mula sa direksiyon ni Mark Meiley.

vuukle comment

CHRIS MARTINEZ

DIREK CHRIS

EUGENE DOMINGO

GALEMA

GINA

IBANG PAULO AVELINO

ILANG

MEG

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with