^

Pang Movies

Freddie Aguilar napahamak sa kadaldalan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang Romeo and Juliet ang love affair ni Fred­die Aguilar at ng kanyang bagets na dyowa dahil you and me against the world ang kanilang drama.

Kakausapin ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Papa Freddie at ang kanyang 16-year-old girlfriend dahil may mga nagreklamo laban sa relasyon nila.

Ayaw naman ng DSWD na isipin ng mga tao na binabalewala nila ang mga natanggap na complaint kaya makikipag-ugnayan sila sa old and young lovers.

Napanood ko sa isang TV interview ang deklarasyon ng bagets na mahal na mahal niya si Papa Freddie pero menor de edad pa rin siya kaya makikialam ang DSWD.

Nakatutok ang atensiyon ng lahat sa mga mangyayari sa kontrobersiyal na love affair. Hindi sana magkakaroon ng malaking problema kung hindi ni-reveal ni Papa Freddie ang tunay na edad ng kanyang girlfriend.

Bekikang nina Joey at Direk Wenn naka-B sa CEB

Successful ang premiere screening ng Bekikang, Ang Nanay Kong Beki na ginanap kagabi sa SM Megamall Cinema sa Mandaluyong City.

Star na nga si Joey Paras kung pagbabasehan ang maingay na reaksiyon at tawanan ng mga tao sa mga eksena niya sa Bekikang na Graded B ng CEB.

Totoo nga ang sinabi ng direktor na si Wenn Deramas na maganda ang pagkakagawa niya sa Bekikang na pa­ngalawa na sa favorite movies na kanyang ginawa.

Ang suwerte-suwerte ni Joey dahil sa suporta na ibinibigay sa kanya ni Wenn. Signature actor na si Joey ni Wenn. Siya na ang bagong DJ Durano sa buhay ng mahusay na direktor.

Tom star na star sa billboards, Marian pasok na rin sa Belo

Out na ang mga billboard ni Tom Rodriguez bilang newest celebrity endorser ng Belo Medical Clinic.

Guwapung-guwapo at star na star si Tom sa mga billboard ng Belo. Malaki talaga ang naitulong kay Tom ng karakter nito sa My Husband’s Lover dahil nagningning ang kanyang bituin.

En­dorser na rin ng Belo Medical Clinic si Ma­rian Rivera pero hindi ko pa alam ang procedure at produkto na ipo-promote niya.

Pareho ng endorsers ng Belo Medical Clinic si Marian at ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Veteran actress pumangit sa retoke ng beauty clinic na ini-endorso

Beauty clinic endorser na rin ang isang veteran actress pero hindi ko type ang mga publicity photo niya.

Halatang-halata na nagparetoke ng face ang veteran actress. Mas maganda siya noong hindi pa niya ipinapaayos ang mukha. Parang hindi makakatulong ang aktres sa beauty clinic na ini-endorso niya. Kung bakit kasi hindi siya nakuntento sa kanyang old face na ’di hamak na mas kaaya-aya na tingnan.

 

vuukle comment

ANG NANAY KONG BEKI

BEKIKANG

BELO

BELO MEDICAL CLINIC

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DINGDONG DANTES

DIREK WENN

PAPA FREDDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with