^

Pang Movies

Aljur todo tanggol sa gf na si Kylie!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mabait na kuya si Aljur Abrenica at kinuha niyang mag-guest ang kanyang kapatid na si Vin Abrenica sa kanyang magaganap na concert sa Music Museum sa San Juan City sa Nov. 7, ang  Come and Get Me. Kahit pa nga contract star ng TV5 ang kanyang bro, hindi inintindi ni Aljur iyon dahil gusto niyang makasama si Vin sa kanyang concert.

“Tulong ko rin ito para kay Vin. Matagal na niyang gustong ipakita ang talent niya sa pagkanta at pagsayaw. May special number kaming magkapatid.

“Saka concert ko naman ito. It doesn’t matter kung sa ibang network siya nagtatrabaho,” dagdag ni Aljur.

Bilang kuya, kuntento ba siya sa nangyayari sa career ni Vin?

 â€œAyokong makialam sa anumang plano ng TV5 kay Vin. Nakakontrata naman siya sa network na iyon kaya may obligasyon silang ayusin ang career niya.

“Kapag tinatanong ko naman si Vin, okay naman siya. Masaya siya sa mga nagiging trabaho niya. Unless lumapit siya sa akin at sabihin niyang may problema, doon na ako makikialam siguro. Pero wala namang problema kaya tuluy-tuloy lang ang work niya,” sagot ni Aljur.

Sinagot din niya ang isyu na may fans daw si Kris Bernal na bina-bash ang girlfriend niyang si Kylie Padilla sa Twitter. Nalulungkot ang Kapuso actor dahil wala naman siyang magawa maliban sa pakiusapan niya sila pero meron pa ring nagpapatuloy sa pang-aasar kay Kylie.

“Iniisip ko nga na baka hindi namin fans ni Kris ang mga ito. Nagpapanggap lang sila para masiraan nila si Kylie. Hindi ko alam eh. Sa Twitter kasi hindi mo naman masasabi kung totoo ba ‘yung iba o hindi.

 â€œBasta ang pakiusap ko sa kanila na respetuhin naman nila si Kylie. I am happy na todo ang suporta nila sa team up namin ni Kris. Pero huwag naman nilang sabihan si Kylie ng kung anu-ano na nakakasakit,” pagtatanggol pa ni Aljur sa girlfriend.

Produced ng GMA Network at MJM Productions ang Come and Get Me concert ni Aljur. Ang ticket ay nasa P1,000, P1,500, at P2,000.

Frencheska nakapasa sa Grease

Masayang-masaya ang Kapuso singer-actress na si Frencheska Farr dahil siya ang napiling gumanap bilang si Sandy sa muling pag-stage ng musical na Grease na produced ng 9 Work Theatricals.

Kuwento ng winner ng Are You the Next Big Star? ng GMA 7 na last year pa raw siya nag-audition para sa role na Sandy Dumbrowski. Hindi niya inaasahan na makukuha pa niya ang role.

“Nagulat nga po ako na ako ang napili nila as Sandy kasi akala ko meron na silang napiling iba. Favorite ko ang movie at ang soundtrack ng Grease. Kaya sobra akong natuwa noong sabihan ako na I will be playing Sandy,” say pa ni Frencheska nang makapanayam namin siya via direct messaging sa Twitter.

Nakadagdag pa sa katuwaan ni Frencheska nang malaman niya na ang idolo niyang si Lea Salonga ang unang gumanap bilang Sandy sa unang pag-stage ng musical na Grease sa Pilipinas noong 1995.

Pinag-aaralan ni Frencheska ang character ni Sandy na isang high school virgin na na-in love sa isang campus bad boy na si Danny Zuko na gagampanan ni Gian Magdangal.

In the 1979 film version, sina John Travolta at Olivia Newton-John ang mga gumanap bilang Danny and Sandy.

Nakaka-relate naman daw si Frencheska sa role na Sandy kaya naging madali na rin sa kanya ang pagganap dito.

Dagdag pa niya,  â€œI slowly discovered myself sa pagsali ko sa iba’t ibang mga singing contest. Napakamahiyain ko noon but I was able to come out of my shell and show them that there is another side of me.

“Yun siguro ang pinaka-common denominator namin ng ginagampanan kong role as Sandy.”

Jamie Foxx idinenay si Katie Holmes

 Nag-deny ang Oscar-winning actor na si Jamie Foxx sa balitang kumalat na dine-date niya ang ex-wife ng kaibigan niyang si Tom Cruise na si Katie Holmes.

“It is one hundred percent not true! In fact, it’s quite hilarious because we simply danced at a charity event along with a lot of other people,” sabi ng aktor.

Nabalita kasing may mga secret date sila ni Katie at kelan lang sa isang charity event sa East Hampton, New York ay nakita nga uli silang magkasama.

May mga nakakita pa raw kay Foxx sa apartment ni Katie sa Chelsea, New York. At minsan ay magkakasama sila ni Katie at ang anak nitong si Suri sa Trump Soho Hotel na location ni Foxx habang nagsu-shoot siya ng pelikulang Annie sa New York.

  

 

vuukle comment

ALJUR

COME AND GET ME

FRENCHESKA

NAMAN

NEW YORK

NIYA

SANDY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with