^

Pang Movies

Hunger Games actress magiging bahagi ng 18th anniversary ng Startalk!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong tungkol sa pagpapaalam kahapon nina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga sa The Buzz.

Basta ang alam ko, ipagdiriwang namin sa Startalk sa susunod na buwan ang aming 18th anniversary. Ganyan na katagal sa ere ang No. 1 at hindi matinag-tinag na showbiz talk show.

Kung nagbuntis ako noong 1995, parang may debutante na ako dahil labing walong taon na nga sa ere ang Startalk na patuloy na maghahatid sa inyo ng maiinit at totoo na showbiz news kaya patuloy na pinagtitiwalaan!

Lilipad sa USA si Papa Ricky Lo dahil may exclusive interview siya sa Hollywood actress na si Jennifer Lawrence.

Makikipagkita si Papa Ricky kay Jennifer dahil ipo-promote nito ang bagong pelikula niya, ang Catching Fire na sequel ng blockbuster na Hunger Games. Magiging bahagi si Jennifer ng 18th anniversary celebration ng Startalk na pang-international na ang level.

Michael Douglas nagka-kanser sa dila hindi sa lalamunan

Ipinagtapat ng Hollywood actor na si Michael Douglas na hindi totoo na throat cancer ang naging karamdaman niya noong 2010.

Inamin ni Papa Michael na tongue cancer at hindi throat cancer ang sakit na gumaling noong 2011 dahil sa chemotherapy at radiation treatment. So, alam na natin na may pinanggalingan ang kontrobersiyal na pahayag ni Papa Michael na nagkaroon siya ng kanser dahil sa oral sex.

Carla hinangaan sa boses

Hinangaan si Carla Abellana sa My Husband’s Lover concert dahil may boses siya. Walang takot na kinanta ni Carla ng live ang kanta na pinasikat noon ni Toni Daya.

Hindi halata na kinakabahan si Carla habang kumakanta dahil super project siya. Hindi rin niya nakalimutan na pasalamatan ang kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann na present sa concert na ginanap sa Araneta Coliseum noong Sabado.

Ang sabi ng mga eyewitness, may kalayuan ang puwesto ni Geoff mula sa stage kaya hindi siya nakita ni Carla. Magkasunod ang mga upuan ni Geoff at ng lola ni Carla, ang veteran actress na si Delia Razon na aliw na aliw nang kumanta si Roi Vinzon. Mga senior citizen ang fans ni Roi na galit na galit sa mga siyoke ang karakter na ginagampanan sa My Husband’s Lover.

May isang female senior citizen na hindi umalis sa Araneta Coliseum hangga’t hindi siya nakapagpapakuha ng litrato na kasama si Roi.

Aktor na binansagang hipon mabenta

Hipon ang tawag sa aktor na puhunan sa showbiz ang magandang katawan. Huwag n’yo nang itanong sa akin kung bakit hipon ang tawag sa aktor na laging pinaghuhubad sa mga eksena niya sa TV at pelikula na kanyang ginagawa.

Hindi naman nawawalan ng project ang aktor na binansagan na hipon dahil mabait siya at marunong makisama sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Dingdong naglagare

Lagare ang beauty kahapon ni Dingdong Dantes. Guest co-host si Dingdong sa Sunday All Stars dahil nag-promote siya ng Genesis, ang bagong primetime show niya sa Kapuso Network.

Mula sa GMA 7 studio, tumakbo si Dingdong sa ABS-CBN dahil nag-promote sila ni Bea Alonzo sa The Buzz. Ni-remind ng dalawa sa televiewers na showing na sa mga sinehan sa Oct. 16 ang kanilang pelikula, ang She’s the One.

                                       

 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CARLA

DAHIL

MICHAEL DOUGLAS

MY HUSBAND

PAPA MICHAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with