^

Pang Movies

Erich humingi ng sign kay lord para sa karelasyon

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Erich Gonzales na sa edad katorse ay breadwinner na siya ng pamilya. Habang lumalaki ay naipangako niya sa sarili na gusto niyang maging maayos ang kanilang buhay.

Nang manalo sa Star Circle Quest ay nagtuluy-tuloy naman ang magandang kapalaran bilang artista ng dalaga at dahil sa pagiging masinop sa pera ay naisip nitong sumosyo sa mga kaibigan sa build and sell business.

Maganda na ang career ay maganda pa rin ang kanyang love life. Dalawang taon na silang magkarelasyon ng nonshowbiz boyfriend. Noong una niya itong makita ay mayabang ang dating sa kanya pero habang nagtatagal ay lumawig ang kanilang pagkakaibigan.

Natatakot si Erich na pumasok sa isang relasyon dati pero sinabihan siya ng guy na paano niya malalaman ang katapatan ng lalaki sa kanya kung hindi niya susubukan? Humingi siya ng sign kay Lord at ito’y ang ulan kaya sinagot na ang manliligaw.

Napakapribadong tao ng nobyo at ayaw nito ng showbiz exposure. Umaasa ang aktres na sana’y ang nobyo na nga ang makasama niya sa habang-buhay. Pero hindi pa naman siya handang magpakasal dito dahil marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

Lauren maagang nakakuha ng pamasko

Katatapos lang ng Mundo Mo’y Akin ay may kasunod na agad na proyekto kay Lauren Young bilang si Hazel sa bago nitong teleserye na Dormitoryo.

Maaga ang natanggap ni Lauren na Pamasko dahil gustung-gusto niya ang ganitong klase ng teleserye na misteryoso ang dating. Sa istorya, nakakuha ng ebidensiya tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kapatid na si Maika o WynWyn Marquez.

Katambal niya si Enzo Pineda at may chemistry ang kanilang tambalan.

Valerie pinaglalaruan ang pagiging kontrabida

Hinangaan si Valerie Concepcion bilang kontrabida sa Anna Karenina. Sa kasunod nitong tele­serye ay kontrabida na naman ang seksing aktres.

‘‘Okay lang sa akin na malinya sa character role dahil magandang paglaruan ang ganitong klaseng papel na gagampanan. At least may trabaho at kakaunti lang ang kabataang kontrabida ngayon,’’ aniya.

 

vuukle comment

ANNA KARENINA

ENZO PINEDA

ERICH GONZALES

LAUREN

LAUREN YOUNG

MUNDO MO

NIYA

STAR CIRCLE QUEST

VALERIE CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with