^

Pang Movies

Ina biglang nakikilala sa martir na role

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumulaga at biglang nakikilala na si Ina Feleo nang gumanap bilang nanay ni Lovi Poe sa seryeng Akin Pa Rin ang Bukas. Acting na acting si Ina bilang martir na nanay ng batang iniwan ng amang si Gary Estrada.

Hindi rin nagpahuli ng acting si Glenda Garcia, sister ni Melissa Mendez. Kahit daw suporta lang dito sa bagong Kapuso series, still, happy siya dahil malalaking artista ang nasa cast.

Vice Gov. Daniel nagpapaikot

ng mga libreng computer

Matagumpay ang project na launching ni Vice Gov. Daniel Fernando, ang Computers on Wheel, na ginanap sa Hiyas Convention, sa Mariano Ponce room, sa Malolos, Bulacan, noong Sept. 17. Joint project nila ito ni Bulacan Gov. Willy Alvarado.

Malaking tulong ang kanilang ginagawa para sa mga kabataang gustong mag-computer pero wala naman silang unit sa bahay. Lilibot sa buong pro­bin­siya ang naturang proyekto para mapaglingkuran ang lahat.

Abala man, hindi paliligtasin ni Daniel ang paglabas sa mga seryeng nakukursunadahan tulad ng Muling Buksan ang Puso. Ama siya ni Enrique Gil sa naturang serye ng ABS-CBN. Kuwento ng actor-politician, mahirap talikuran ang showbiz.

Malulungkot na istorya ng contestants pinakamami-miss sa Wowowillie

Maraming nalulungkot na malapit nang mawala sa ere ang Wowowillie. Hanggang Oktubre na lang ang variety show ng TV5. Mami-miss daw nila ang TV host na si Willie Revillame na galante sa kanyang mga tagapanood.

Nanghihinayang ang mga loyal niyang televiewer, lalo na sa portion ng Wheel of Fortune na iba’t ibang kulay ng buhay ang kuwento ng mga contestant, na hindi na nila makikita ang ganitong uri ng programa sa telebisyon.

Mga banda tumutugtog tuwing sunset

Maligayang pagbati kay Mayor Dr. Carol Delloza ng Baliuag, Bulacan. Pinatutunayan niya ang mga pangako sa mga kababayang pagagandahin ang Baliuag. Bukod sa pagiging malinis, pinaganda rin ang Baliuag Park at nagkaroon ng mga banda na tumutugtog tuwing sunset.

Congrats din kay Marivic Salvador Paronda, owner ng ZEN ZEST 2 Salon na dinadayo sa Barangay San Jose, Baliuag, Bulacan.

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

BALIUAG

BALIUAG PARK

BARANGAY SAN JOSE

BULACAN

BULACAN GOV

DANIEL FERNANDO

VICE GOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with