^

Pang Movies

‘Relasyon’ nina Kris at Jay-R ibinuko ni Katrina!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa nagsasama sa isang bahay sina Katrina Halili at Kris Lawrence na nakatira pa rin sa bahay ng kaibigang si Jay-R. Magkalapit naman sila ng bahay ng ama ng anak kaya nasusuportahan ng singer ang pangangailangan nila.

“Sila ni Jay-R ang magkarelasyon. Hindi nila maiwanan ang isa’t isa! Hahaha!” biro ni Katrina.

Pero hindi pa inaayos ni Kris ang American citizenship ng anak pati siya.

Bago ang series niyang Magkano Ba ang Pag-ibig? ay lumabas muna siya sa Indio ni Sen. Bong Revilla, Jr. Kung sinuportahan siya noon ng senador sa isyu niya, ano naman ang puwede niyang maging suporta sa senador na may pinagdaraanang problema rin ngayon?

“Prayers,” deklara niya.

Hindi nga lang siya nag-attempt na tawagan si Sen. Bong dahil wala siyang number nito.

 â€œSiyempre, kailangan ng prayers,” dagdag pa ni Katrina.

Jan Manual mas pinaboran ang Diyos kesa sa GF

Ayaw nang maghangad pa ni Jan Manual ng todong kasikatan upang hindi na ma-frustrate kapag hindi niya nakamit ang stardom. Sapat na sa kanya ang maging supporting actor dahil ’yung kinikita naman niya eh para sa kanya lang.

Six years na si Jan sa showbiz. Ang pagkopya kay Rep. Manny Pacquiao ang siyang pasaporte niya upang magkaroon ng konting pangalan sa showbiz. Ayaw ba niyang magpaseksi upang dumami ang makapansin sa kanya?

“’Pag pumayat po siguro ako. Pangarap kong magka-six pack. Puwede nang maging daring. Kaya ko namang maghubad,” rason ni Jan.

Dahil ba sa sunog ang kulay niya kaya kulang pa ang confidence niya?

“Hindi naman. Lahat naman ng ginagawa ko, nandiyan naman si God. Wala akong insecurity,” sagot niya na nasa cast ngayon ng Prinsesa ng Bayan.

Eh kahit Christian naman siya, wala namang kaso ’yon sa pagbabago niya ng image. Tutal, sa isa niyang natapos na relasyon, hindi sila nagkain­tindihan ng babae na isang Catholic habang siya nga ay Christian.

“Mas pinili ko na lang si God kesa sa kanya. Kung siya ang pipiliin ko, alam ko ’pag nagtagal kami, mag-aaway lang kami,” dahilan ni Jan.

vuukle comment

AYAW

BONG REVILLA

JAN

JAN MANUAL

JAY-R

JR. KUNG

KATRINA HALILI

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with