^

Pang Movies

Kaya matatapos na lang ang teleserye hindi pa maramdaman: Lead actress mas pang-kontrabida ang beauty at projection

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Matatapos na ang isang teleserye na hindi nararamdaman ng mga tao dahil walang karisma ang mga bidang artista, lalo na ang lead actress.

Ewan ko lang kung mabigyan pa ng solo project ang aktres na starring sa teleserye na tinutukoy ko dahil hinog siya sa pilit.

Siya at ang kanyang pamilya na lang yata ang naniniwala na sikat siya. Hindi talaga siya pambida dahil pang kontrabida ang kanyang beauty. Hindi masyadong type ng press ang aktres dahil feeling know it all ang projection niya sa mga interview.

Rep. Lani nag-ala waiter sa sobrang pagka-masinop

Walang makeup si Rep. Lani Mercado nang magkita kami sa bahay nila ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Bacoor, Cavite noong Linggo.

Lalong lumitaw ang kagandahan ni Lani na habang nagkakaedad, lalong gumaganda. Nakabibilib ang katatagan na ipinakikita ni Lani sa gitna ng mga pagsubok. Naka-reserba lang sa dramatic scenes niya sa Mga Basang Sisiw ang kanyang mga luha, hindi sa tunay na buhay.

Teka, nakakaloka ang eksena kahapon sa Mga Basang Sisiw. Nagkaroon na ng pagkakataon na makatakas si Lani at ang kanyang mga anak mula kay Gardo Verzosa pero nabigo sila. Ang ibig sabihin, makararanas pa rin ng pagdurusa ang mga basang sisiw. O ’di ba, alam na alam ko ang nangyayari sa kuwento ng Mga Basang Sisiw?

Balik kay Lani, alam n’yo bang masyado siyang masinop? Kahit may mga waiter na taga-ligpit ng mga pinggan, baso, at kutsara, siya ang kusang naglilinis ng mesa. Kulang na lang, hugasan niya ang mga pinggan, baso, at kutsara na ginamit ng mga bisita sa surprise asalto para sa kanyang mister.

Tawa lang nang tawa si Lani sa mga one-liner ko tungkol sa kanya dahil alam niya na nagbibiro lamang ako.

Gov. Vilma perfect na guest sa Gabay Guro

Nagkita uli kami ni Bacoor City Mayor Strike Revilla at ng kanyang misis na si Chaye Cabal sa asalto para kay Bong.

Nag-remind si Chaye na huwag naming kalilimutan ang Gabay Guro na gaganapin sa susunod na buwan sa The Arena ng Mall of Asia sa Pasay City.

Project ni Chaye at ni Papa Manny Pa­ngilinan ang Gabay Guro na nagbi­bigay ng pagpapahalaga sa lahat ng mga teacher sa buong Pilipinas. Excited na ibinalita ni Chaye na hindi lamang kotse ang ibibigay nila sa lucky teacher na kanilang mapipili. Malaki raw ang posibilidad na mag-give ang Gabay Guro ng house and lot sa deserving teacher. Ang sosyal ha?

Si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang gusto ni Chaye na imbitahan para sa nalalapit na big event ng Gabay Guro. Everyday na nagbabasa ng Pang-Masa si Mama Vi. I’m sure, makakarating sa kanya ang pa­ngarap ni Chaye na ma-invite siya sa nalalapit na event ng Gabay Guro.

Tessie Tomas kakumpetensiya na sina Gloria at Caridad

Lola na ang role ni Tessie Tomas sa Kahit Nasaan Ka Man, ang primetime show ng GMA 7 na nagsimula kagabi.

Parang kailan lang, mga nanay role ang gina­gam­panan ni Tessie, ngayon lola na siya dahil nakatoka na ang mother role sa mga younger actress gaya nina Angelu de Leon, Sharmaine Arnaiz, Roxanne Guinoo, etc.

Kakumpitensya na ngayon si Tessie ng mga aktres na dating mga gumaganap na lola, sina Gloria Romero, Caridad Sanchez, Alicia Alonzo, at Luz Valdez.

vuukle comment

ALICIA ALONZO

BACOOR CITY MAYOR STRIKE REVILLA

BONG REVILLA

CARIDAD SANCHEZ

GABAY GURO

LANI

MGA BASANG SISIW

TESSIE TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with