^

Pang Movies

Sarah nominado sa MTV Europe Music Awards

- Vinia Vivar - Pang-masa

May international recognition na naman si Sarah Geronimo. Nominado lang naman siya sa 2013 MTV Europe Music Awards (EMA) sa kategoryang Best Southeast Asia Act category kalaban ang mga artists din ng ibang bansa tulad ni Hafiz ng Malaysia, My Tam ng Vietnam, Noah ng Indonesia, Olivia Ong ng Singapore and Slot Machine ng Thailand.

Gaganapin ang  MTV EMA sa Amsterdam on November 11, and will be broadcast via over 60 channels internationally.

Matatandaang ang iba pang international recognition ni Sarah ay ang pagkakapanalo niya as Best Asian Artist (Philippines) at the 2012 MNet Asian Music Awards in Hong Kong, at nang mahirang siyang Nickelodeon Philippines’ Kids’ Choice Award.

Kris walang pag-asang matsismis kay Vic

Bago pa man mabuhay ang tsismis at ma-link ulit sina Kris Aquino at Vic Sotto dahil magkasama sila sa My Little Bossings, ipinauna na ng Queen of All Media na guest lang siya sa movie at tatatlo lang daw yata ang eksena nila ni Bossing.

 â€œDoon po sa script, tatatlo po ang eksena namin. So, huwag kayong mag-expect ng anything,” say ni Kris sa kanyang panayam sa The Buzz.

Matatandaan kasing dati nang nagkasama sina Vic and Kris and ito nga rin umano ‘yung mga panahong nanligaw ang komedyante kay Tetay.

Pero sa My Little Bossings, ang bida talaga ay ang bunso niyang anak na si Bimby kasama siyempre si Bossing at ang sikat na child star na si Ryzza Mae Dizon.

 â€œSpecial participation lang talaga ako, kasi kung nandoon ako sa buong movie, walang kuwento.

“Kasi ang kuwento has to be nawala ako, that’s why napunta siya (Bimby) kay Vic. Ina­alagaan siya, and that’s why nakilala niya ang pamilya ni Vic,” say ni Kris.

Mukhang magtutuloy-tuloy na talaga ang pag-aartista ni Bimby dahil ayon kay Kris, hindi pa man natatapos ang movie ay may mga offers na sa bunsong anak.

“Well, may mga offers na siyang series after this. Inu-offer siya ng kanyang Ninong Deo (Endrinal, ABS-CBN’s business unit head), one season ng Wansa (Wansapanataym), na pinag-iisipan namin,” kuwento pa ng Queen of All Media.

Pero kahit magtuluy-tuloy na ang pagiging artista ni Bimby, mananatili raw na ang pag-aaral ng bagets ang kanilang priority.

Still on Kris, for the first time ay mapapanood sa kanyang Kris TV morning program ang Kapuso prime star na si Marian Rivera. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita ang aktres sa Kapamilya network sa loob ng mahahabang taong pagiging GMA 7 talent niya.

Pinahiram ng GMA 7 si Marian para mai-promote ng aktres ang pelikula nito na co-produced ng Star Cinema, ang Kung Fu Divas kasama ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas na kasabay din niyang guest sa Kris TV.

Nai-tape na ang naturang episode ng Kris TV na ieere today, tomorrow (Friday) at sa Monday.

vuukle comment

ASIAN MUSIC AWARDS

BEST ASIAN ARTIST

BEST SOUTHEAST ASIA ACT

BIMBY

CHOICE AWARD

COMEDY QUEEN

KRIS

MY LITTLE BOSSINGS

QUEEN OF ALL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with