^

Pang Movies

Iisa ang damit tuwing set niya: Singer sinibak sa kinakantahang bar

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagulat ang customers ng isang bar sa isang hotel nang hindi na nila napanood ang performance ng gusto nilang female singer. Bukod kasi sa maganda na at magaling kumanta, seksi pa, kaya naging instant fan sila ng girl.

Nang magtanong sila sa staff ng bar, tsinika nilang pinalayas na ng management si female singer. Kasi raw laging late ’pag dumarating sa araw ng pagkanta niya.

Ang ikinaloka pa raw ng management, hindi nagpapalit ng damit ang singer tuwing set niya! Para bang walang ibang damit na puwedeng isuot.

Mabango naman tingnan ang singer pero may ilang customers na nati-turn off na nakakapansin sa damit ng singer. Pero siyempre, mas lamang ang unprofessionalism ng singer kaya tsinugi na siya!

Lexi pahinga muna

Pahinga na raw muna sa pag-arte si Lexi Fernandez na anak ni Maritoni Fernandez. Ang pagkanta muna ang concentration ni Lexi na ipinagmamalaki ng ina na maganda ang boses.

May kinalaman din kasi ang pagkakaospital ni Lexi dahil sa ngaragan niyang taping sa Kakambal ni Eliana. Kaya minabuti ng ina na pagpahingahin muna ang anak sa pag-arte.

Papasok din sa school si Lexi dahil hindi naman time consuming ang pagkanta. Pero si Maritoni, tuloy pa rin ang pag-arte na nasa cast ngayon ng Prinsesa ng Buhay Ko.

Edu updated sa mga pakulo sa segments ng bagong show

Wala pa ring kupas talaga si Edu Manzano pagdating sa pagiging talk show host. Muli niyang pinatunayan ang galing niya sa TV5 program niyang What’s Up, Doods? na nagsimula last Saturday.

Ang bongga kay Doods, updated siya sa mga segment na ipinakita sa show. Nariyan ang Praisebook at Bwitter na pakulo. Meron din siyang thought of the night na kahit nadinig na namin ay ginawan naman ni Doods ng bagong bersiyon.

Kung taped ang unang mga episode, magla-live na si Doods sa susunod na editions ng show. Rason kasi niya, “Unpredictability is very important in a talk show. You have no control of what will happen to you so you have to learn how not to look too shocked if something happens that you don’t expect!”

Kung humagalpak sa tawa ang mga tao sa unang episode ng What’s Up, Doods? ay lalong aabangan ang engkuwentro ng TV host sa makulit na legendary rock singer na si Pepe Smith.

 

vuukle comment

BUHAY KO

DOODS

EDU MANZANO

LEXI

LEXI FERNANDEZ

MARITONI FERNANDEZ

PEPE SMITH

PERO

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with