^

Pang Movies

Jake at Joem ang husay sa laplapan, parang totoong may karanasan sa bading

Pang-masa

MANILA, Philippines - Blockbuster ang premiere night ng Lihis sa SM The Block Cinema 2 sa Quezon City.

Sa mga naisulat na tungkol sa galing ni Racquel Villavicencio sa pelikula, sabi niya, nang makausap namin bago simulan ang movie, “Hindi naman ’yung acting ko ang gustong mapanood ng tao rito kundi ang love scenes nina Jake Cuenca at Joem Bascon.”

Totoo, lahat ng beking reporters ay gustong makita ang laplapan nina Jake at Joem bilang mga leftist rebel na nagka-ibigan. At talagang ang husay nila! Parang mag-boyfriend nga sila sa tunay na buhay. O kaya aakalain n’yong nagkaroon na sila ng sariling karanasan sa mga bakla!

Pero hindi iyon ang pinaka-ugat ng ganda ng pelikulang Lihis na hinulma ni Direktor Joel Lamangan kundi ang sama-samang kontribusyon ng lahat ng mga nagsisiganap, kasama na rito si Lovi Poe na nagbigay ng ’di malilimutang kahusayan.

Hanggang pag-uwi, ninanamnam pa rin namin ang ganda ng pelikula. Kahit B lang ang grade ng pelikula sa Cinema Evaluation Board, ang mahalaga, lalabas sa mga sinehan ang mga nakapanood na dala-dala ang wagas na pagmamahalang ipinamalas ng dalawang rebelde.

EB Babe na si Yosh gustong magka-career kaya ikinalat ang sex video nila ni Wally?

After ng controversial sex video with boyfriend Chito Miranda, magkakaroon na ng bagong teleserye si Neri Naig sa Channel 2. ’Yung mga nakapanood ng sex video niya, naloka lahat kay Neri dahil ang dalaga pa ang mas aktibo habang umaariba kay Chito.

Ito rin siguro ang gustong mangyari ni EB Babe Yosh Rivera kaya pinagbuti niya ang malakas na halinghing habang nirarapido ni Wally Bayola sa kanilang nakakasukang sex video.

Kapag binigyan ng teleserye si Yosh, gaya ni Neri, marami pang babaeng magpapa-sex video!

Eh lalayo ka pa ba, sample na nga si... na nakapareha ng dating doktor. ’Di ba nabigyan ng maraming proyekto ang aktres sa Dos? (ROLAND LERUM)

 

 

vuukle comment

BABE YOSH RIVERA

BLOCK CINEMA

CHITO MIRANDA

CINEMA EVALUATION BOARD

DIREKTOR JOEL LAMANGAN

JAKE CUENCA

JOEM BASCON

KAHIT B

LIHIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with