^

Pang Movies

Zia nagagalaw lahat ng gamit ni Dolphy pero hindi makapag-compose ng kanta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi sa ayaw magsulat ng kanta ni Zia Quezon para sa nasira niyang daddy na si Dolphy, na balak sana niyang isama sa second album niya ngayon na A Little Bit of Lovin’ na under PolyEast Records.

Kundi masyado pa raw fresh ’yung pinagdadaanan nilang pamilya pagkatapos nga mawala ng Comedy King. Siyempre masakit at mabigat pa sa singer ang pagkawala ni Mang Dolphy kaya mahirap pa sa kanya ang makapag-compose ng kanta para sa kanyang mahal na daddy.

Pero kung ibang tao naman ay nahihirapan galawin ang mga naiwang gamit ng mga mahal nila sa buhay, si Zia naman ay binubutingting ang mga gamit ng Comedy King. Kahit daw ang mga poster nito ay paulit-ulit niyang tinitingnan. Panay din ang hawak niya sa trophies na mga napanalunan ni Mang Pidol. Pati raw yung pla­ying cards na ginagamit noon ay nilalaro rin ni Zia. Kahit maliliit na gamit ng tatay niya basta daw magpapaalala ay masaya niyang ginagalaw ito.

Pinakanami-miss niya kay Mang Dolphy ay ’yung lagi siyang pinapakain nito.

“Sa showbiz kasi walang gustong magpakain sa iyo kasi lahat sila gusto nila mag-diet ka. Pero si Daddy maya’t maya aalukin ka niyang kumain at bubusugin ka niya talaga,” kuwento ni Zia sa isang interview niya after ng pag-guest niya sa MasterShowman ng  GMA 7.

Wala namang planong mag-travel ang Mommy Zsa Zsa Padilla niya at isa pang kapatid na si Nicole ngayong birthday ng singer. Pare-pareho raw kasi silang busy sa kani-kanilang trabaho. Meron pang ginagawang Juan dela Cruz sa ABS-CBN si Zsa Zsa at may iba ring commitments ang sister niyang si Nicole.

Pero tiyak na magsasama-sama sila sa birthday concert ni Zia sa Sept. 26 sa Music Museum na sa Sept. 23 talaga ang exact birthday niya. Dati raw kasi ay mga close friend lang niya ang kasama pero this time ay na-convince siyang magkaroon ng show para makapag-bonding hindi lang ang kanyang pamilya kundi pati na rin ang kanyang fans.

Samantala, ang album niyang A Little Bit of Lovin’ ay naglalaman ng 10 tracks at walo rito ay mga original song. Ang isang kanta na ni-revive ni Zia ay Masdan Mo ang Kapaligiran ng grupong Asin at bagay na bagay ito sa timbre ng boses ng anak ni Mang Dolphy.

vuukle comment

A LITTLE BIT OF LOVIN

COMEDY KING

KAHIT

MANG DOLPHY

MANG PIDOL

MASDAN MO

NIYA

PERO

ZIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with