^

Pang Movies

Bimby namana ang ugali ni Kris, tinanong agad kung mayaman si Ryzza Mae

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Minana ni Bimby Aquino Yap ang height ng tatay niya na si James Yap pero kuhang-kuha ng bagets ang ugali ng kanyang madir na si Kris Aquino.  

Sa kanilang unang pagkikita, tinanong agad ni Bimby si Ryzza Mae Dizon ng “Do you have a boyfriend?” at â€œAre you rich?” Kris na Kris si Bimby dahil ganoon din kausisa ang kanyang nanay.

In fairness sa mga bata, marami ang nag-aabang sa team up nina Bimby at Ryzza Mae sa My Little Bossings dahil may chemistry sila. Sosyal si Bimby at masang-masa si Ryzza na gustung-gusto ng publiko dahil sa kanyang kasimplehan at pagiging down-to-earth.

Dina inaabangan sa pagtataray kay Dawn

Maganda ang role ni Tonton Gutierrez sa Bukas na Lang Kita Mamahalin. Siya ang asawa ni Dina Bonnevie at tatay ni Rayver Cruz.

Naghiwalay sina Dina at Tonton dahil nagkaroon ito ng relasyon kay Dawn Zulueta na nanay ni Ge­rald Anderson.

Congresswoman si Dina at simpleng maybahay si Dawn. Kaabang-abang ang mga pagtataray ni Dina kay Dawn na inaakusahan niya ng pang-aagaw ng asawa.

May special participation si Gabby Concepcion sa Bukas na Lang Kita Mamahalin. Siya ang asawa ni Dawn at tatay ni Gerald na namatay. Magkaibigan sila ni Tonton at ibinilin niya kay Tonton na alagaan ang kanyang mag-ina.

Wakas ng MHL nabuking sa selfie photo nina Chanda at Kuh

Nalungkot ang followers ng My Husband’s Lover nang malaman nila na malapit nang matapos ang kanilang favorite teleserye.

Kumalat ang balita na papalapit na ang ending ng My Husband’s Lover dahil sa selfie photo nina Kuh Ledesma at Chanda Romero. Nagpakuha ng litrato ang dalawa na magkasama dahil wala pa silang photo together eh malapit nang magwakas ang kanilang show.

Nag-umpisa ang pag-ere ng My Husband’s Lover noong June 10 at hindi matanggap ng fans na hindi tatagal ng anim na buwan ang teleserye na kanilang sinusubaybayan. Walang extension ang My Husband’s Lover dahil ayaw ng Kapuso management na lumaylay ang kuwento ng phenomenal drama series.

Maraming offer sa cast ng My Husband’s Lover na magkaroon ng show sa Amerika. Malamang na ang US shows ang asikasuhin ng cast kapag natapos na ang kanilang teleserye.

Aktor nagpapanggap na maangas pero insecure, wala pang napapatunayan sa career

May angas nang magsalita ang aktor na hindi naman kagalingan ang acting. Nagtataray na ang aktor sa kanyang mga sagot sa mga reporter na kausap niya.

Hindi sineseryoso ng mga reporter ang pagtataray ng aktor dahil alam nila na front lamang ’yon. Sa tunay na buhay, insecure na insecure ang aktor dahil sa tagal niya sa showbiz, wala pa siyang napapatunayan. Napag-iwanan na siya ng mga aktor na mas bata at baguhan.

vuukle comment

BIMBY

BIMBY AQUINO YAP

BUKAS

CHANDA ROMERO

DAHIL

DINA

LANG KITA MAMAHALIN

MY HUSBAND

TONTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with