^

Pang Movies

Dalawang young female stars pilit ‘pag nagbabatian

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nagbabatian ang dalawang young female stars ng pelikula at telebisyon. At magbatian man kapag nasa isang lugar na ’di maiiwasan ay halatang pilit lang.

Ow! Boyfriend kasi ngayon ni Star A ang ex na ni Star B.

Katrina lumiwanag ang landas dahil sa baby

Bagay kay Katrina Halili na med­yo may laman ng kanyang pisngi dahil tumaba siya after na isilang niya ang first baby daughter nila ng partner si Kris Lawrence na si Katie who will be one year old na sa Sept. 18. Kaya isang bonggang party na mala-Disneyland ang tema ang pinag­hahandaan nila ngayon.

Kahit hindi magsalita si Katrina, feel na feel mo na masaya siya sa pagiging housewife at ina ng kanyang anak kasi nababakas sa maganda niyang mukha. Sparkling na ang kanyang dating malungkot na mga mata. Ibig sabihin, natagpuan na niya ang true love kay Kris. Si Baby Katie na ang apple of the eyes ng couple, ang siyang nagpapasaya sa kanila na hindi matutumbasan ng salapi.

Suwerte rin si Katrina sa kanyang pagiging ina dahil may mga soap pa rin siyang naka-line up sa GMA Network, Inc. Kasali rin siya sa cast ng Bayarang Puso na tampok sina Heart Evangelista, Sid Lucero, Dominic Roco, Alessandra de Rossi, Ana Capri, Isabel Oli, at Celia Rodriguez ngayong September at sa direksiyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Excited daw si Katrina sa Bayarang Puso na siyang isusunod sa pa-exit nang Maghihintay Pa Rin. At least, maliwanag na ang landas na tinatahak ng sexy actress ngayon at hindi siya pinababayaan ng GMA 7.

Raymond malaki ang TF

Sa Sept. 14, Sabado, na ang pilot telecast ng programang Showbiz Pulis ng TV5 na pangungunahan ni Raymond Gutierrez at makakasama niya sina Rep. Lucy Torres-Gomez, Cristy Fermin and Direk Joey Reyes. At nasunod ang gusto ni Raymond na ’di makatapat ang show sa Startalk ng GMA 7. Delicadeza nga naman dahil sa Startalk siya nagsimula at bilang respeto sa network na siyang nagmolde sa kanya.

Ang timeslot ng bagong talk show niya sa Singko ay 5:30-7:00 p.m. Hindi lang daw host si Raymond, may mga show pa siyang gagawin at isa rin siya sa mga magiging consultant ng network. True kaya na milyon daw ang talent fee ng TV host? Eh kung may kakayahan naman, why not? TV5 kaya ’yan!

Metropolitan Theater asikasuhin na kaya nina Erap at Isko?

Wala kayang plano sina Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Vice Mayor Isko Moreno na ipaayos ang Metropolitan Theater na nakatirik sa pusod ng Maynila na isa sana sa pinakamagandang tanawin na makikita sa Lawton? Sayang naman ito kung hindi maaayos.

Isa lang ang nasabing building na naging tahanan ng zarzuela at memorable ito sa pamosong TV host ng The Buzz, The Bottomline, at Bandila, ikaw nga, Boy Abunda.

vuukle comment

ANA CAPRI

BAYARANG PUSO

BOY ABUNDA

CELIA RODRIGUEZ

CRISTY FERMIN AND DIREK JOEY REYES

DELOS REYES

DOMINIC ROCO

METROPOLITAN THEATER

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with