^

Pang Movies

Angeline umastang mas sikat pa kina Vilma at Nora

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa album launch ng Muling Buksan ang Puso kamakailan, marami ang naloka kay Angeline Quinto. Ayaw niyang magpa-interview kung hindi muna ipapaalam ng mga reporter ang questions nila.  Kasapakat din niya ang handler na nagsabing iri-review muna nila ang questions bago sumagot sa interview si Angeline.

Sabi nga ng isang reporter pagkatapos tumalikod:  “Akala ba niya, sikat na sikat na siya? Kung sina Nora Aunor at Vilma Santos nga eh nungka naggagaganyan, siya pa? Hindi na nga siya maganda, pangit pa siyang umarte!”

Iiisa ang verdict ng mga reporter sa kanya: Hindi pa nga siya sumisikat eh laos na!

Cast ng Raketeros may good karma

Dahil sa success ng Raketeros, magkakaroon ng part two ito next year, ayon na rin sa actor-producer na si Mayor Herbert Bautista.

Tuwang-tuwa rin si Randy Santiago na direktor ng pelikula. Ibig sabihin, itong first attempt niyang magdirek ay tagumpay at gusto ng publiko.

Good karma rin itong matatawag sa cast ng Raketeros. Kung mapapansin ninyo, mula kay Mayor Bistek hanggang kina Dennis Padilla, Andrew E., at Long Mejia, puro sila mapagpakumbaba. Hindi sila basta-basta pumapatol sa intriga.

Sa sinimulan mong magandang gawain at pagtulong sa kapwa, ipag-aadya ka ng Panginoon Mayor Bistek!                                  

 

vuukle comment

ANDREW E

ANGELINE QUINTO

DENNIS PADILLA

LONG MEJIA

MAYOR BISTEK

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MULING BUKSAN

NORA AUNOR

PANGINOON MAYOR BISTEK

RAKETEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with