^

Pang Movies

Anak ni Jodi excited na sa panganganak ni Iwa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Anytime sa buwan na ito ay puwedeng nang manganak ang kontrobersiyal na aktres na si Iwa Moto. Baby girl ang magiging anak nila ng estranged husband ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson.

Eve ang napiling pangalan para sa baby girl, na ayon kay Iwa, si Thirdy (anak nina Jodi at Pampi) ang namili para sa kanyang magiging baby sister.

 â€œFull term na ako and, anytime, puwede na akong manganak,” masayang ibinalita pa ni Iwa nang makapanayam namin siya via Facebook.

 â€œExcited na excited na si Thirdy. Gusto na niyang ma-meet ang baby sister niya. Binibilang niya ang mga araw kung kelan lalabas na si Eve. Sabi ko mga sampung tulog pa.”

Nakahanda na ang mga plano ni Iwa para sa baby nila ni Pampi. Marami siyang binasa na mga libro on motherhood at sa pag-alaga ng baby.

“Pero sure na magpapa-breastfeed ako. Pinakaimportante iyon kasi iyon ang bonding time namin ni Eve.

“Kahit na dumaan ako sa maraming pagsubok noong mabuntis ako, magiging worth it lahat ng iyon dahil malapit na namin siyang makita,” sabi ng aktres.

Hindi pa raw muna babalik si Iwa sa showbiz dahil gusto niyang tumutok ng husto sa pagiging ina. Kapag puwede nang ipagkatiwala si Eve sa isang yaya, dun lang siya maghahanda para sa pagbalik niya sa showbiz.

“Okay lang naman kay Pampi na magtrabaho ulit ako. Gusto niyang maging busy din ako kasi alam niyang malaki ang naging sakripisyo ko noong mabuntis ako sa anak namin,” sabi ni Iwa.

Cristina hindi agad naisip na ina-ambush na

Nasa mabuting kalagayan nga ngayon ang businesswoman na si Cristina Castillo o mas kilala bilang Cristina Decena pagkatapos na tambangan ang kanyang sinasakyan na Starex Limousine last Tuesday afternoon sa may Banawe Street, Quezon City.

Tinadtad ng baril ang sasakyan ni Cristina at mabuti na lang at hindi siya nakapuwesto sa bintana na pinuruhan ng isang lalaki ng sunud-sunod na putok ng baril.

Mabilis daw na dumapa si Cristina sa kanyang sahig ng kanyang sasakyan pero ang kanyang kasamang yaya ang nadaplisan ng bala. Mabuti na lang daw at mabilis na nakapag-isip ang anak ni Cristina na siyang nagda-drive ng sasakyan. Inatrasan niya ang dalawang lalaking naka-motorsiklo kaya natumba ang mga ito at sabay nakalayo sila.

Nakahanap agad si Cristina ng isang taga-National Bureau of Investigation (NBI) na tumulong na bigyan sila ng escort patungo sa NBI office para maisumbong nito ang mga nangyari.

In broad daylight nang tirahin sila ng dalawang lalaking naka-motor. Kitang-kita sa CCTV camera sa may Banawe Street ang paglapit ng mga ito sa sasakyan ni Cristina noong maipit ito sa traffic. Sabay pinaputukan ang bintana ng sasakyan.

 â€œMasyadong mabilis ang mga pangyayari. Akala ko may pumutok lang sa labas kasi ang lakas eh. ’Yun pala binabaril na ang bintana ng sasakyan ko. Mabuti at matibay ang salamin ng bintana kaya ilang putok pa ng baril bago nabasag.

 â€œSobra akong natakot para sa mga kasama ko. Mabuti at mabilis nag-isip ang anak ko at nagawa niyang atrasan ’yung mga nasa motorsiklo. Kaya nakatakas kami,” paglalahad pa ni Cristina sa NBI.

Mabilis siyang tinawagan ng estranged husband niyang si Ariel Villasanta dahil may nagsabi raw sa kanya na muntik nang mabaril ang estranged wife niya.

Inakala ni Ariel na joke iyon pero kinabahan ito kaya tinawagan niya agad si Cristina. Noong malaman niyang totoo ay nagpasalamat ito na walang nangyaring masama.

Ngayon ay pinapaimbestigahan ng NBI ang ginawang ambush kay Cristina at ang payo nila rito na huwag munang lalabas in public dahil target na siya for assassination.

vuukle comment

AKO

ARIEL VILLASANTA

BANAWE STREET

CRISTINA

CRISTINA CASTILLO

CRISTINA DECENA

IWA MOTO

PAMPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with