^

Pang Movies

Kaya nakipaghiwalay na sa Thai GF? Mario Maurer pinasasaya pa rin ni Cacai hanggang ngayon

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noong mag-promote sa bansa si Mario Mauer ng kanyang bagong pelikulang Pee Mak, na highest gross movie sa Thailand, pinagbawal agad ang tanong sa love life ng Thai-German actor.

Kaya walang nalaman ang local showbiz press sa development ng affair ni Mario kay Cacai Bautista. Mukha namang masaya si Mario kaya tiyak na pinapatawa pa siya ng komedyana.

Kahit sandali lang siya sa bansa, siguradong nagkita naman sila ni Cacai na noong mga araw na nag-hurried visit ang aktor ay inspiradong kumanta ng mga love song sa kanyang TV show.

Ang Pee Mak ay kumita na ng US$13 million sa Thailand at madadagdagan pa ito sa mga darating na buwan.

Mayamang bakla nadiskubre ang threesome dahil sa actor BF

Nauna sa condo unit ng very rich beki ang kanyang actor boyfriend na may sariling key sa lovenest. Dumating na kasunod ang isa pang lover na young newcomer.

Upang hindi mainip sa paghihintay, sinamantala ng dalawa ang pagkakataon. Silang dalawa ang nagpaligaya. Sabi nga, the mouse can play, if the cat is away. Hindi alam ng biglang naging pareha na darating na ang kanilang benefactor. Caught in the act sila sa ‘‘flying bivouac position”!

Sa halip na magulat ang baklesh, napangiti pa siya at nag-join. Naging threesome sila sa kama. After that, madalas ng ganoon ang kanilang eksena!

Mader na inuwian ng anak na may bagong kotse at cash natukoy ang beking nagsusustento

Nagulat naman ang isang mader nang biglang may inuwing bagong kotse ang kanyang anak na wala pang isang taon sa showbiz. Nagtaka ang ina dahilang iisa pa lang ang teleserye ng bagong artista, bukod sa mga indie film na halos transpo at food allowance lang ang talent fee.

Nanahimik na lang ang nanay at nakiramdam ng husto sa kanyang anak. Sumunod pa ang pagbibigay sa kanya ng malaking halaga. Siyempre natunugan agad ng ina na may kabit na beki ang kanyang anak. Natukoy niya agad kung sino ang nagsusustento sa young actor. Hindi pa kasi niya nasasambit ang apelyido ng baklesh, nakangiti ng tumango ang masipag na anak.

Maricel magpapasaya uli ng milyun-milyon sa movie comeback

Masayang-masaya si Maricel Soriano sa kanyang pagbabalik sa pelikula. Say ng Diamond Star, super gaan ng kanyang feeling at inspirado siyang magtrabaho. Sinigurado ng Diamond Star na maaaliw kayo sa muling pag-eksena ng komedyanteng si Maria.

Milyones na ang pinasaya niya sa kanyang a past movie blockbusters kaya madadagdagan pa ang masisiyahan sa kanyang movie comeback.

Lirio Vital mga Amerikano na ang kasamang nagko-concert

Sa Texas, USA na nakatira ang singer na si Lirio Vital with her husband Robert Arredondo, Jr., senior chief operations specialist sa US Navy, at ang kanilang dalawang anak na sina Roland, 23, at Christopher, 20.

Kung minsan ay may live concerts si Lirio at ibang US-based artists.

Top at Jinky magre-reunion sa Freestyle

Nagkasamaan ng loob sina Top Suzara at Jinky Vidal kaya ang male singer/composer ang unang umalis sa kanilang grupong Freestyle. Naging solo artist si Top at nakagawa ng at least dalawang solo albums.

Maging si Jinky ay nag-solo rin pero pabalik-balik din sa Freestyle.

Muling nagkasundo ang dalawa at ngayon ay featured artists sa Viva concert na Top & Jinky Reunited sa Music Museum on Aug. 30.

As a singing duo with Freestyle, ilan sa pinasikat ng dalawa ay ang Before I Let You Go, So Slow, at Bakit Ngayon Ka Lang.

Bilang solo artist, naging hit naman ni Top ang kanyang sinulat na Sabihin Mo Na.

Martin susuportahan ng ABS-CBN sa malaking concert

Naka-schedule na ang 30th anniversary concert ni Martin Nievera sa Smart Araneta Coliseum on Sept. 13.

To be directed by Rowell Santiago and with Louie Ocampo as musical director, ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra ang sasaliw sa Concert King with Gerald Salonga conducting.

 

vuukle comment

ANG PEE MAK

BAKIT NGAYON KA LANG

BEFORE I LET YOU GO

CACAI BAUTISTA

CONCERT KING

DIAMOND STAR

KANYANG

LIRIO VITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with