^

Pang Movies

Lovi inisnab-isnab si Jake, parang hindi nagkita kahit nasa iisang lugar

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinakamalakas ang palakpak na may kasama pang tilian nang lumakad sa red carpet ng function room na pinagdausan ng YES! 100 Most Beautiful Stars ang tinawag na TomDen love team nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, mga bida ng pink serye na My Husband’s Lover. Mabuti na lamang at wala pa sa stage ang napi­ling beautiful ng YES! ang young actresses na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Sa interview kina Dennis at Tom ng host na si Candy Pangilinan kung ano ang nararamdaman nila ngayon sa mga papuri sa kanilang magandang pink serye sa GMA 7, lalo na sa acting nila bilang dalawang beki na na-in love sa isa’t isa, ayon kay Tom, akala niya ay hindi sila tatanggapin ng mga tao na ang mga manonood lamang ay mga beki, iyong members ng LGBT community. Kaya nagulat sila nang tanggapin ito. Proof nito ang napakaraming taong dumadalo kapag may mga mall show sila.

Kung feeling beautiful din ba sila sa mga papuri sa kanila, sagot ni Dennis na ikinatawa ng audience, siguro raw nadagdagan lamang sila ng paligo ni Tom. Pero nagpapasalamat sila sa GMA 7 dahil alam nilang maganda ang project na ibinigay sa kanila. At sa nangyayari ngayon, wala na silang mahihiling pang iba.

Hinanap sa kanila si Carla Abellana na gumaganap na si Lally, wife ni Vincent (Tom), pero naiwanan nila ang actress sa taping. Pinayagan lamang silang umalis muna for a pictorial at pag-attend sa YES! event pero babalik din sila sa taping. 

Ilang sidelights: Binantayan kung babatiin ni Dennis ang former girlfriend na si Bianca King, halata kasing nagulat si Dennis, first time ba nilang pagkikita iyon ni Bianca sa isang affair? Pero si Bianca naman ay nakangiti pero hindi siya nagtagal at umalis din agad. Isa pang binantayan ay kung babatiin ni Jake Cuenca si Lovi Poe pero wala ring batiang nangyari. 

Nang tanungin pa ang mga artista kung sino para sa kanila ang beautiful actress or actor, ang sagot ni Lovi ay si Rocco Nacino, na nasa likuran lamang niya. Si Jake, si Jessy Mendiola raw ang most beautiful para sa kanya.

Masaya sina Julia at Kathryn dahil sa pagsisimula nila ng journey sa Mara Clara, itinuturing nilang forever tandem pa rin sila tulad nang pagkakapili sa kanila na top sa YES! 100 Most Beautiful Stars.

Dumalo rin ang isa sa napili as Enviable Couples, sina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti, pero hindi rin sila gaanong nagtagal (maaga naman silang dumating tulad ng Wonder Kid na si Ryzza Mae Dizon) dahil first night ng repeat ng Katy, The Musical sa Meral­co Theater, Pasig City na isa sa cast si Pip, with Isay Alvarez, Aicelle Santos, at Dulce.

 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

BIANCA

BIANCA KING

CANDY PANGILINAN

CARLA ABELLANA

MOST BEAUTIFUL STARS

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with