^

Pang Movies

Dyowa ni Angeline, hindi mayaman!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Inamin ni Angeline Quinto na meron na siyang non-showbiz boyfriend, who is a banker. ‘‘Emple­yado siya sa banko and he doesn’t own it,’’ say ng champion singer.

So okay lang kay Angeline kung hindi naman super rich ang kanyang mahal, to think na may mga milyonaryong nanligaw sa kanya!

Direktor na nagdusa sa aktres na nag-feeling screen diva, handa na sa mas matinding problema

Na-trauma ang young director sa pasaway na leading-lady ng kanyang first movie. Daig pa kasi ng aktres ang mga tunay na movie queens sa pagka-prima donna!

Bukod sa very difficult sa buong filming ang screen ‘‘diva’’ (baka di ba?), naging dahilan siya sa pagka-delay ng pelikula. Minsan kasi ay nagtungo ang buong tropa sa malayong location. Marami pang kukunang eksena doon ang aktres at karamihan kasama ang kanyang mga co-stars nang biglang mag-disappea­ring act.

Matagal din silang naghanap sa paligid ng kanilang location, pero talagang hindi na nila mahagilap ang aktres. Bumalik na pala sa Maynila ang aktres na walang paalam. Kaya ang mga dapat kunan, pati mga remnants ng mga natapos na tagpo, dinaya na lang sa shooting nila sa Metro Manila.

Kahit masaklap ang kanyang karanasan, sumumpa pa ang bagong director, to pursue his dreams. Sa hirap na naranasan sa aktres, nagpasalamat pa si Direk, dahil he is now more than ready to face bigger challenges in his next film project!

Super machong aktor girl na girl sa NYC, sanay na rIN sa pambabaeng pangalan

Ang pogi at super machong aktor, girl na girl pala kapag ang kasama sa New York City ay kanyang mga amigang verde ang dugo. Meron pa siyang pet name na tawag sa kanya ng mga gay friends in NYC.

Subukan ninyong tawagin siya sa pangalang ito ng babae. Kundi siya sasagot kapag nabigla, kahit papano, lilingon siya. Sanay na kasi siya sa lady’s name na ito!

Mark at Ynna, cool off lang pala?!

Kung kailan pareho silang nagpahayag na ‘‘hiwalay’’ na, saka pa dumami ang umiintriga kina Mark Herras at Ynna Asistio. Banas na banas tuloy ang bad boy of the dance floor at nakiusap na tantanan na sila ng mga walang magawa.

Tigas ang pagtanggi ni Mark na si Nadia Montenegro ang isa sa mga maraming dahilan ng kanilang break-up ni Ynna.

Pinagdiinan pa ni Mark na silang dalawa ni Ynna ang nakakaalam ng buong katotohanan. Lalo tuloy kaming naghinala na nag-cool off lang sila upang makapag-concentrate sa kanyang pag-aaral si Ynna.

Tessie Tomas na-master na ang pagiging prosti

Na-challenge si Tessie Tomas sa prostitute role kaya tinanggap niya ang bigyang buhay ang papel ng oldest profession sa isang episode ng Magpakailanman ni Mel Tiangco.

Nakatulong ang paglabas niya sa mga kakaibang papel sa mga indie films, kaya’t relax na si TT sa kanyang portrayal of a call girl. Kung meron pang mga ganitong klaseng offer sa TV o kahit sa pelikula, hindi na magdadalawang isip ang batikang aktres.

Mga drama show na ipinalabas puro nakakaiyak

Nagsimula nang mag-review ng mga possible finalists sa PMPC Star Awards for TV last Tuesday. First day pa lang, pawang magagandang mga TV drama shows na ang aming napanood. Sorry bawal isulat ang detalye.

Ang masasabi lang  namin, magdadala kami ng maraming tissue paper o panyo, sa next screening. From two to seven p.m. kasi kaming umiiyak sa mga madudulang tagpo. Lahat kami, naging crayola queens!

Nora hindi makalayas ng ‘Pinas, ‘di maiwan si Pip

Dapat tapusin pa ni Nora Aunor ang mga natitirang eksena sa When I Fall In Love with Tirso Cruz III, kaya’t na-delay ang pagbalik niya sa U.S.A. Limang linggo kasi siyang mawawala, kaya hindi siya papayagan ng TV5 na umalis hangga’t meron pa siyang mga tagpong dapat gawin.

 

vuukle comment

AKTRES

KANYANG

MARK HERRAS

MEL TIANGCO

TESSIE TOMAS

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with