^

Pang Movies

Raymart at Claudine hindi nagbatian sa kanilang birthday

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa binati nina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang anak nilang sila Santino na nag-birthday. Lumabas ang greetings nila sa anak sa kani-kaniyang Facebook account.

Mensahe ni Raymart : “I love you and miss you so much. Love you too Sabina.”

“May you grow up to be a responsible man!” bahagi naman ng greetings ni Claudine.

Pero take note na kahapon, July 22, ang sabay na birthday nina Raymart at Claudine, huh! Pero wala kaming nabasa sa mga account nila na may birthday greetings para sa isa’t isa!

Tssskk…Bad na talaga ang relasyon nina Raymart at Claudine!

Performer sa Zirkoh bidang-bida sa David F.

Suportado ng APT Entertainment ang Cine­malaya entry na David F. Ito ang project ng award-winning director na naghandog ng isang Cinemalaya movie na Santa Nina ni Coco Martin. This time, isang period movie ang David F na may tatlong yugto, huh!

Tanging ang supervising producer na si Susan Tagle ang namahala sa finances. Hindi na raw nakialam sa kuwento ng indie movie ang taong involved sa APT na sina Mike Tuviera, Jojo Oconer at Rams David.

Eh sa Cinemalaya entry, may subsidy na P500,000 na ibinibigay sa bawat kuwentong mapipili at may hangganan ang budget ng bawat pelikula.

Bidang-bida sa indie si Dax Martin na regular performer sa Zirkoh at Klownz na isang Afro-American performer ang role.

Ang APT Entertainment ang naghatid sa publiko ng award—winning indie movie na Ded Na Si Lolo na pretty soon ay mapapanood na sa telebisyon.

Problema sa anak ni Jackie Forster lalong lumalala

Lumaki na nang lumaki ang isyu kay Jackie Forster at dalawa nilang anak na sina Andre at Kobe mula nang magpa-interview ang dalawa sa TV. Naungkat tuloy ang sentimiyento ng dalawang binata sa ina na matagal nang itinatago.

Of course, nagdenay na si Jackie sa diumano’y eskandalong nasaksihan ng mga anak nu’ng mga bata pa sila. But still, itinuring na traumatic ng dalawang binata ang nasaksihan nila. Kung anuman ‘yon, tanging sina Andre at Kobe ang nakakaalam pati na ang ama na si Benjie.

Space ang hiningi nina Andre at Kobe mula sa ina. Pero sa inilabas na music video ni Jackie na naglabasan na sa mga TV shows, feeling namin, baka lalong lumayo ang mga anak sa ina.

Time heals all wounds pero dama namin, mukhang hindi mangyayari ito kina Andre at Kobe dahil hanggang sa magkaapo sila ay dala-dala nila ang traumatic incident na ‘yon!

 

 

 

vuukle comment

CINEMALAYA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

COCO MARTIN

DAVID F

JACKIE FORSTER

KOBE

PERO

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with