^

Pang Movies

Kampo ni Sarah nanlito lang, grave coercion at perjury ‘di pa pala naisampa

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakakaloka talaga itong si Sarah Lahbati. Umalis na raw ng ‘Pinas noong Tuesday night at ang bagong drama ng kampo niya, hindi naman sila nagsasampa pa ng kaso gayung sa kanila mismo nanggaling na nag-file na sila.

Ngayon, ang sinasabi ng lawyer niya na si Atty. Maggie Abraham sa huling panayam nito sa 24 Oras ay tila nanumpa lang sila ng affidavit na apparently ay paghahanda para sa pagpa-file ng kaso.

“Medyo nagkamali kasi... kasi ang naano namin dun is we will be filing it,” pahayag ng lawyer ni Sarah.

“So, nung may mga nagtanong na mga media on the issue of filing, we just used the lingo of ‘filed’ dun sa ‘subscribed.’ Pero ’yun, we had the intention to clarify it when we were interviewed in Makati, but I believe that we were not... intensively explained that matter,” pahayag pa ng abogada.

Pagbalik pa raw sa Agosto magsasampa ng kaso si Sarah laban sa GMA 7 exe­cutive na si Atty. Annete Gozon-Abrogar at sa iba pa.

Samantala, kung bukas sa pakikipag-ayos si Sarah kay Annette, ayon sa GMA 7 executive, siya raw ay hindi.

“With what I’ve been seeing, I think kaya ni Sarah ang sarili niya and matapang na matapang siya. So, I think she can face all the consequences of her actions,” pahayag ni Ms. Abrogar.

Sinabi rin ng executive na “I’m not open to settle­ment.”

Ayon pa sa lady boss, isang paraan na rin ang mga kasong ito para lumabas ang katotohanan.

“I was happy talaga kasi, finally, ’di ba, babalik   siya to face the charges so kahit ang tagal-tagal ni­yang wala? Uuwi rin naman pala siya which made me happy so… and okay ’yun for me, because I really wanted the truth to come out and ’yun ang purpose ko in filing my case.

“So if she also files against me, gusto ko rin ’yun because the truth will even come out more, ’di ba? So happy ako with the turn of events,” pahayag pa ng Kapuso executive.

Neil marunong sa pera, nakabili na ng condo unit at bagong SUV kaya magpapa-party na

Outpouring ang happiness ngayon ni Neil “Asiong” Coleta dahil natupad na niya ang goal niya na mabayaran in full ang Capri Oasis two-bedroom cluster (condo unit) na kinuha niya last year.

Napabilis ang pagbabayad ni Neil sa unit dahil na rin sa tuluy-tuloy na trabaho na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN under Dreamscape ni Deo Endrinal.

Nakatulong din ang pagre-renew sa kanya ng BNY clothing apparel kaya na­man bukod sa condo unit ay may bagung-bago rin siyang Montero SUV.

Masinop at matipid si Neil. Nanga­ngarap naman siya ngayon na maipaa­yos ang bahay nila ng kanyang pamilya sa Dasmariñas, Cavite at makapag-invest sa real estate.

Sa nalalapit na 22nd birthday ni Neil sa Aug. 4, naisipan niyang gumastos at mag-share ng blessings via a birthday party sa Rehub Grillery and Bar located sa may ABS-CBN.

Madalang lang maglabas ng pera ang young actor sa mga ganitong party pero since happy siya ngayon ay pagbibigyan niya ang mga kantyaw sa kanya ng mga kasamahan sa Juan dela Cruz.

Speaking of the show naman, natutuwa si Neil dahil Asiong na rin ang tawag sa kanya ng lahat na siyang pangalan ng kanyang karakter sa nasabing serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pati ang manager niyang si Becky Aguila ay Asiong ang tawag sa kanya.

Incidentally, gusto ring i-announce ng manager na ongoing pa rin ang acting workshops ng kanyang talent agency every Sa­turday from 1-7:00 p.m. for kids and teens. Mayroon na rin daw English and speech class, and personality development class every Saturday from 9:00 a.m. to 12:00 p.m.

Sa mga interesadong mag-enroll, paki-check na lang po ang Facebook page ni Becky Aguila.

vuukle comment

ANNETE GOZON-ABROGAR

ASIONG

BECKY AGUILA

CAPRI OASIS

COCO MARTIN

DEO ENDRINAL

MAGGIE ABRAHAM

NEIL

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with