^

Pang Movies

TF at ipon ng aktres diretso bayad sa utang ng dyowa sa loan sharks

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Daig pa ang isang eksena sa Undercover action-serye ni Derek Ramsay ang fearsome situation ng isang aktres. Involved sa sindikato ng mga loan shark ang kanyang boyfriend!

Ang siyete, malaki na ang atraso ng partner ng star. Nagigipit na siya sa pagbabayad. Kaya dapat pati ang mga talent fee niya at pati personal savings ay makatulong sa pagbabayad ng milyones na I.O.U!

Mahirap tustusan ang masamang bisyo! Baka mangulontoy ang beauty ng aktres sa bigat ng kanyang problema!

Glaiza de Castro mamahinga na

Daig pa ang nag-suicide ni Glaiza de Castro kung totoong titigil na siya sa pag-arte. Haharapin na lang niya ng husto ang kanyang mga negosyo at pagiging TV producer.

Batid ng lahat kung gaano kamahal ng aktres ang pag-arte. Isa siya sa pinakamahusay sa kanyang mga kasabay. Ang tumigil sa kanyang trabaho sa harap ng camera ay daig pa ang nagpakamatay. Kahit kasi mag-edad otsenta na si Glaiza, effective pa rin, kahit sa mga papel na lola, tulad ng ginagampanan nina Gloria Romero at Perla Bautista ngayon.

Marian nagkanda-sugat-sugat sa suot na pakpak

Maraming humanga sa ginintuang pakpak na suot ni Marian Rivera sa FHM’s Sexiest Woman show and party.

Saka pa lang naramdaman ng Sexiest Woman ang bigat ng suot noong wala na siya stage.

Mag-anyong diyosa ng kaseksihan lang, kahit magkan-dasugat ang mga braso at ibang parte ng sexy body, kinaya ang bigat ng kanyang mga suot na pakpak. Habang pinapalakpakan kasi, tila magaan pa sa bulak ang kanyang props.

Hiwalayan nina Melissa at Paul Jake walang impact

Hiwalay na raw sina Melissa Ricks at Paul Jake Castillo. Ha? Hindi kami nag-react. After mawala na ang mga tandang pananong sa aming isip, saka pa lang kami nagsalita ng: ‘‘Si­meon’’ (Sino ’yon?)

Pasensiya na po. Sa dami kasi ng mga bagong artista, hindi namin agad masubaybayan ang iba.

Rica mas gumanda nang magbuntis, Jolina hindi nagpapakita

Higit na gumanda si Rica Peralejo ngayong nagdadalantao na. Ano naman kaya ang hitsura ni Jolina Magdangal na kasabay niyang mag-artista, noong mga child performer pa sila?

Una kasing nabalita na four months on the family way na si Jolens. Mukhang pati sa motherhood magkakasabay pa sina Jolens at Rica.

Cinemalaya nagmamaldita sa press

Sobrang higpit naman ng PR (public relations) bureau ng Cinemalaya Independent Film Festival. Para mabigyan ang isang working showbiz press ng kanilang accreditation, dapat mag-submit ng tatlong clippings na naisulat ng writer tungkol sa kanila at isang letter from his editor!

Habang tumatagal nagiging mahirap abutin ang mga taga-Cinemalaya! Alam kaya nila na halos the whole year round tuloy ang pagsulat sa kanila ng entertainment media? Daig pa nila ang Manila International Film Festival. Noon, libreng manood at mag-attend ng mga presscon at interview sa mga foreign star sa lahat ng venue ng Cultural Center complex.

Bakit kaya nagiging antipatika sa press ang ilang bagong tauhan ng Cinemalaya? Baka naman gusto nilang ipamigay na lang ang mga libreng ticket sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan!

vuukle comment

CINEMALAYA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CULTURAL CENTER

DAIG

GLAIZA

SEXIEST WOMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with