^

Pang Movies

No. 8: Jean ginagamit ang sasakyan ng karelasyong pulitiko

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Halos lahat ng artista ng Kakambal ni Eliana ay nainterbyu namin gaya nina Kim Rodriguez, Enzo Pineda, Lexi Fernandez, at Kristoffer Martin. Naroon din  si Jean Garcia pero hindi namin ito nakausap hanggang umalis kami sa set visit ng said teleserye.

Tanong tuloy ng ilan sa entertainment press, “Hindi kaya umiiwas siya na matanong tungkol sa love life?”

May tsismis kasi na nauugnay ito sa isang politician dahil minsan ay gina­gamit nito ang sasakyang may numero 8 na plaka.

Angel inuuna ang pamilya kaya hindi makapag-asawa

Noon ay pangarap ni Angel Locsin na mag-asawa at the age of 22 pero ngayong 28 na siya ay nagbago ito.

“Unfair na marinig na mas inuuna ko ang aking career kaysa love life. Breadwinner kasi ako at kailangan kong magtrabaho.

“Kailangan ako ng aking pamilya although gusto rin nilang lumigaya ako. Kapag pinabayaan ko sila ay makokonsensiya ako. Ang mahalaga, stable ang relasyon namin ni Phil (Younghusband),” aniya.

Lexi nahihirapan na sa kanyang asthma

Naikuwento ni Lexi Fernandez ang hirap ng isang may asthma na gaya niya. Naospital ito recently kasi nahirapang huminga at dahil sa pagod at pagkakaroon ng ubo at sipon.

Kasama rin ang young actress sa Kakambal ni Eliana bilang kontrabida at okay lang na ma-typecast siya sa character role.

Kamusta naman ang kanyang love life?

Pinabulaanan nito na nagkaroon sila ng relasyon ni Jake Vargas at sinabing magkaibigan lang sila na nagsimula sa Tween Hearts.

May bago siyang non-showbiz boyfriend na 19 years old at kasundo ng kanyang mommy.

Wala siyang inililihim sa ina lalo na pagdating sa love life dahil may tiwala ito sa kanya at para lang silang magkabarkada.

 

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ELIANA

ENZO PINEDA

JAKE VARGAS

JEAN GARCIA

KAKAMBAL

KIM RODRIGUEZ

KRISTOFFER MARTIN

LEXI FERNANDEZ

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with