^

Pang Movies

Ritz kinarir ang pagpapapayat. anim na basong lemonade lang ang iniinom araw-araw!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinaghandaan palang mabuti ng tinaguriang virgin bombshell na si Ritz Azul ang role niya bilang si Maita Ramirez, a girl from the slums at naging bar girl pero yumaman dahil napanga­sawa niya ang mayamang businessman na si Christopher de Leon sa mini-series na Misibis Bay sa TV5. Nabawasan na ng 20 lbs. si Ritz mula sa kanyang tinatawag na Master Cleanse, a detox na lemonade lamang ang ininom for eight days at six glasses a day. Hindi raw naman siya nahilo, energetic pa rin siya sa taping nila, pero patuloy pa rin siya sa pagda-diet para ma-maintain niya ang kanyang 36-26-36 figure. She hopes to loose more weight at maging 24 inches na lamang ang kanyang waistline.

Bukod kay Boyet, may tatlo pang katambal si Ritz, sina Daniel Matsunaga (Andrew), Victor Silayan (Bernard), at Vin Abrenica (Charlie). Para kay Ritz, gusto niya ang smile ni Daniel, ang eyes ni Victor, at ang abs ni Vin. Biniro tuloy si Ritz kung sino ba sa tatlo ang nanliligaw na sa kanya? Wala raw. Mukhang takot daw sila sa tatay niya na siyang kasama niya sa taping. Pero siya, sino ang gusto niya sa tatlo? 

 â€œKinikilig ako kapag kaeksena ko sila,” sabi ni Ritz sa pocket presscon ng TV5 para sa kanya. 

“They are very gentle at tinutulungan nila ako sa mga eksena namin. Pero kay Daniel nila ako inili-link dahil daw kamukha ako ni Heart Evangelista kaya raw siguro ang husay-husay nito sa break-up scene namin. Nakita ko sa face niya ang sakit, siguro naalaala niya si Heart. Pero siguro kung pagsasama-samahin ang features nilang tatlo sa isang guy, baka siya na ang maging boyfriend ko.”

Mapangahas si Ritz sa mga sexy scene niya sa mini-series pero may approval ito ng tatay niya, na siya pang nagtulak sa kanyang magsuot ng two-piece bikini swimsuit. Sabi pa raw sa kanya, kailan pa siya magpapa-sexy, kung 40 years old na siya? Pero siya, hindi pa rin niya kaya ang mga intimate scene. Okay lamang sa kanya ang love scenes at kissing scenes. Ipakikita ni Ritz ang kaseksihan niya sa pagrampa tonight sa FHM.

Pero thankful si Ritz sa mga sumusubaybay sa Misibis Bay dahil nababasa niya ang mga positive comment sa kanyang mahusay na acting at virginal beauty, sa Twitter at Facebook. Ngayong Wednesday, at 8:00 p.m., mapapanood na ang magarbong kasalan nina Anthony at Maita na ang background ay ang luxury resort sa Legaspi, Albay.

Mga kanta sa My Lady Boss nasa buong album na

With the success of My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Ri­vera, napansin din ang soundtrack ng movie na I’ll Never Go na official theme song ng movie. May mga nagtatanong kung magkakaroon daw ito ng album. 

May three versions kasi ito, ang duet nina Aicelle Santos at Gian Magda­ngal, kay Kristoffer Martin, at kay Rita de Guzman. May Halik din ng Aegis, Ikaw Lang ng Shamrock, at Andito Lang Ako ni Maricris Garcia.

 

 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ANDITO LANG AKO

MISIBIS BAY

MY LADY BOSS

NIYA

PERO

RITZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with