^

Pang Movies

Jake at Joem pumayag maghubad at magkaroon ng torrid kissing scene

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tinalbugan ng love scene nina Jake Cuenca at Joem Bascon ang romantic scenes nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover.

Naging mapangahas sina Jake at Joem sa mga love scene nila sa Lihis dahil pumayag sila na maghubad at magkaroon ng torrid kissing scene na hindi puwedeng gawin nina Tom at Dennis sa My Husband’s Lover dahil nakabantay ang Movie and Tele­vision Review and Classification Board (MTRCB).

Hindi puwedeng sabihin na gaya-gaya puto maya ang Lihis sa My Husband’s Lover. Nauna na mag-shooting ang Lihis bago pa umere ang My Husband’s Lover pero magkaibang-magkaiba naman ang kuwento ng coming soon movie ni Joel Lamangan at ng controversial primetime show ng GMA 7.

Hindi totoo ang mga obserbasyon na usung-uso ngayon ang mga pelikula at TV show na kabadi­ngan ang tema dahil matagal nang kaliwa’t kanan ang mga gay indie movie. Umingay ng husto ang mga gay movie at TV show dahil sa kontrobersiya na nilikha ng My Husband’s Lover.

Bagong Filipinas nakakaloka

Kailangan ba talaga na palitan ng letter F ang letter P ng Pilipinas? Naloloka ako sa mga napapanood ko sa mga news program tungkol sa panukala na gawing Filipinas ang Pilipinas.

Sixty-six years old na ako. Mula pagkabata, nasanay na ako na Pilipinas ang name ng ating bayang magiliw. Kung kailan ako tumanda, saka gagawin na Filipinas ang Pilipinas?

Imposibleng hindi ako malito at ang ibang mga kababayan natin sa pagbabago na gustong mangyari sa name ng ating bansa! Bakit ngayon lang?

Most Beautiful pinaghahandaan ang launching

Postponed for another date ang big event ng YES! Magazine dahil pinag­hahandaan nila ng husto ang bonggang launch ng Most Beautiful issue ng kanilang sikat na entertainment magazine.

Alam ko na ang bagong petsa ng YES! event at ang venue pero hindi puwedeng sabihin dahil sa mga uninvited guest na kaligayahan na ang mang-gatecrash. Hindi naman sila nakakalusot dahil mahigpit ang mga bantay.

Pahulaan pa kung sino ang ar­tista na nasa cover ng Most Beauti­ful issue ng YES! Tikom ang bi­big ng staff as in well-guarded secret ang artista na napili nila na pinakamaganda o pinaka­guwapo na celebrity ng 2013. Kapuso, Kapatid, o Kapamilya ba ang lucky star?

Malalaman natin ang tumpak na kasagutan sa last week ng buwan!

My Lady Boss kumita, kasipagan nina Marian at Richard nagbunga

Congrats sa GMA Films at Regal Entertainment, Inc. dahil mainit ang pagtanggap ng Filipino moviegoers sa My Lady Boss, ang romantic comedy movie nina Richard Gutierrez at Ma­rian Rivera.

Nasulit ang maraming beses na postponement ng playdate ng My Lady Boss dahil tinatangkilik ito ng mga movie buff.

Maganda ang July 3 playdate ng My Lady Boss dahil wala itong kalaban na malakas na Hollywood movie. Tama ang desisyon noon ng mga producer na iwasan ang playdates ng Ironman at Man of Steel.

Nakatulong din sa success ng pelikula ang ma­sipag na pagpo-promote nina Marian at Richard.

Inikot ng dalawa ang lahat ng mga programa ng GMA 7 at wala silang reklamo sa lahat ng mall shows na pinuntahan nila.

 

 

 

vuukle comment

BAGONG FILIPINAS

DAHIL

LIHIS

MOST BEAUTIFUL

MY HUSBAND

MY LADY BOSS

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with