^

Pang Movies

Daiana pumiyok na may malalim na pinagdaraanan ang asawang dating kongresista kaya nagtangkang magpakamatay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa pamamagitan ng isang formal statement, naipaliwanag na ni Daiana Menezes ang tungkol sa trahedyang muntik nang kumitil sa buhay ng kanyang mister na si Congressman Benjo Benaldo.

Nilinaw ni Daiana na walang kinalaman ang na­ging marital spat nila noong nakaraang linggo sa tangkang pagpapakamatay ng dating kongresista.

Kasalukuyan pang nasa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ang congressman at nagpapagaling. Hindi nawawalan ng media sa may lobby ang ospital at naghihintay sila ng opisyal na statement mula sa pamilya.

Sa pagbigay ni Daiana ng kanyang pormal na statement, nakiusap ito sa media na huwag basta husgahan ang kanyang mister dahil may mas malalim na pinagdaraanan ito patungkol sa kanyang trabaho.

Heto ang official statement mula kay Daiana:

 â€œFirst of all, I would like to clarify that any statement or interview aired by the media prior to this statement is totally unreliable as this is my FIRST and ONLY statement relative to what happened last Thursday.

 â€œWhile my husband is still recovering from his injuries, his family and I would like to personally appeal to everybody to please grant us some much needed privacy as we go through this difficult time.

 â€œAs to what transpired last June 27, my husband, Benjo assured me that he himself would address all of you regarding the matter when he is fit do to so. What I can relay to you however is the reason behind the incident are the advocacies he strongly believes in as relayed to me by Benjo last Saturday.

 â€œFor now, we plead that you reserve both conclusions and judgments until after an official statement is issued by my husband.

 â€œMeanwhile, I would just like to say with certainty that whatever reasons surrounded this misfortune, they do not include any reasons stemming from our relationship as a married couple. In spite of our recent differences, we still continue to love each other. We have vowed to remain committed to each other and to support one another as we weather this storm together.

 â€œLastly, our families humbly ask that you offer prayers for his speedy recovery.”

Male celebrity idadaan na

 sa abogado ang paniningil ng ibang TF sa nilayasang manager

Marami-rami palang sisingilin pa na talent fees ang male celebrity sa kanyang manager. Kulang-kulang daw ang mga naibigay sa kanya ng kanyang manager kaya hinahabol na niya dahil malaki-laki rin ang amount na iyon.

Iniwan na niya ang kanyang manager at nagpahawak na sa iba. Ayon sa male celebrity, naging “incompetent” na ang dating talent manager simula noong masangkot ito sa iba’t ibang mga intriga.

Madalas ay wala ito sa opisina niya at kung saan-saan daw nagbabakasyon. Hindi tuloy alam ng male celebrity kung ano ang mangyayari sa kanyang career noon.

Nagkuwentahan sila ng kanyang kamag-anak na naghahawak ng kanyang finances, nalaman niyang marami pa siyang hindi nakukuha na talent fees sa kanyang manager.

May mga check siya na mula sa ibang tapings na hindi nakakara­ting sa kanya. Kahit na ang ibang gues­tings niya ay wala siyang natatanggap na bayad pa.

Mabuti na lang at nag-expire na ang kanyang kontrata sa management kaya kaagad siyang naghanap ng mag-aasikaso sa kanya. Kaya ngayon ang target naman niya ay ang masingil ang ilang talent fees na hindi naibigay sa kanya.

Hindi naman kasi mayaman si male celebrity at mahalaga sa kanya ang makuha ang bayad sa kanyang pinagpuyatan at pinagpaguran. Pero tuwing tatawag siya sa office ng kanyang dating manager ay lagi itong wala.

Pinag-iisipan pa nga ni male celebrity na idaan na ang lahat sa abogado pero inisip pa rin niya ang magiging damdamin ng dating manager dahil naging maganda naman ang pinagsamahan nila. Nagulo lang dahil sa hindi maayos na pamamalakad nito.

Bibigyan na lang niya ng isang buwan para maayos nito ang kanyang hinihiling. Kung hindi ay tutuluyan na niya sa kanyang abogado.

Oprah balik sa No. 1 bilang Most Powerful Celebrity

Si Oprah Winfrey na ulit ang nanguna sa 100 Most Powerful Celebrity List ng Forbes magazine.

Two years nasa No. 2 spot si Winfrey pero this year ay umakyat ulit siya sa No. 1. Ito na ang ika-limang beses na nag-numero uno ang Queen of Talk at owner ng sarili niyang TV network na OWN.

Nasa No. 2 spot ay si Lady Gaga na sinundan nina director/producer Steven Spielberg at singers Beyoncé and Madonna. Ang last year’s No. 1 na si Jennifer Lopez dropped to the 12th place.

Kumita si Oprah ng $77 million mula June 2012 to June 2013.

First time makasama sa list at No. 6 ay ang 23-year-old singer-composer na si Taylor Swift. Nasa 10th spot naman ang Emmy Award-winning TV host na si Ellen DeGeneres.

vuukle comment

BENJO

CELEBRITY

CONGRESSMAN BENJO BENALDO

DAIANA

KANYANG

MANAGER

NIYA

STATEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with