^

Pang Movies

Jessy at Ritz nasampal-sampal ni Vivian

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Magkakasabay ang dalawang shows ni Vivian Velez sa dalawang TV networks. Nasa Misibis Bay siya ng TV5 at nasa Maria Mercedes naman siya ng ABS-CBN. Parehong kontrabida ang role niya sa dalawang palabas kaya worried din siya dahil nagpang-abot ang mga show niya.

Pero wala namang problema sa TV5 iyon dahil mas una naman siyang nag-commit sa kanila at six weeks lang tatakbo ang Misibis Bay.

“I am very thankful sa TV5 kasi walang issue sa kanila iyong may isa pa akong show sa kabilang network.

“Nagulat din ako na nagpang-abot sila. Mas una ko namang ginawa itong Misibis Bay bago ko sinimulan ang Maria Mercedes.

’Yung character ko naman sa Maria Mercedes sa week two or three pa yata lalabas. Eh sa Misibis Bay, sa pilot pa lang ay mapapanood na nila ako,” sabi pa niya.

Dagdag pa ni Vivian, hindi naman daw siya apektado ng husto dahil hindi naman siya ang bida sa dalawang teleserye.

“Eh hindi naman. Kontrabida ako kina Ritz Azul at Jessy Mendiola. Pareho silang makakatikim ng mga sampal at sabunot ko. Ayaw ba nila iyon? Dalawang shows na nandoon ako pareho na nang-aapi ng bida? The more the merrier, ’di ba?” tawa pa niya ulit.

Nabanggit nga ni Vivian na pumayag na siyang i-remake sa TV ang isa sa mga pelikulang pinagbidahan at prinodyus niya na Paradise Inn na isa sa mga obra ng the late Celso Ad Castillo.

May kausap na siyang TV network na willing na gumastos para lang magawa nila ang TV remake nito. Pero ayaw pang i-reveal ni Vivian kung kaninong TV network niya ito ibibigay. Ang sure lang ay ang anak ng the late Celso Kid na si Chris Ad Castillo ang magdidirek nito.

Jean hindi pinakawalan ng Kapuso

Happy na ibinalita ni Jean Garcia na nag-renew siya ng kanyang kontrata para sa GMA 7 noong nakaraang linggo. Ibig sabihin nito ay tuluy-tuloy na mapapanood si Jean sa Kapuso Network.

Nagtapos nga nitong nakaraang June ang pinirmahan na two-year guaranteed contract ni Jean noong 2011. Pero bago pa ito mag-expire ay inalok na ulit siya ng panibagong guaranteed contract na ikinatuwa naman ng award-winning actress.

Kasalukuyang napapanood ng aktres sa top-rating afternoon drama series ng GMA 7 na Kakambal ni Eliana bilang si Isabel na ina ni Kim Rodriguez.

Performer ng Cirque du Soleil nahulog, patay!

Nauwi sa kamatayan ang isang performer ng world-famous na Cirque du Soleil habang nagpapalabas ito sa isang malaking crowd sa MGM Grand in Las Vegas.

Nasawi si Sarah Guyard (na may stage name na Sassoon), isang 31-year old mother nang mahulog ito mula sa high wire habang papatapos na ang ginagawa nilang production ng Ka ng Cirque du Soleil.

Ayon sa report ay nahulog si Guyard sa taas na 50 feet habang iniaakyat siya para sa isang huling scene ng show. Ito ang first fatality sa history ng Cirque du Soleil. “(The artist) was being hoisted up the side of the stage and then just plummeted down,” sey ng witness na si Dan Mosqueda.

“Initially, a lot of people in the audience thought it was part of the choreographed fight. But you could hear screaming, then groaning, and we could hear a female artist crying from the stage.”

Naglabas ng statement ang founder ng Cirque du Soleil na si Guy Laliberte dahil sa malungkot na pangyayari bunga ng isang aksidente.

“I am heartbroken. I wish to extend my since­rest sympathies to the family. We are all completely de­vastated with this news.

“Sassoon was an artist with the original cast of Ka since 2006 and has been an integral part of our Cirque du Soleil tight family.

“We are reminded, with great humility and respect, how extraordinary our artists are each and every night. Our focus now is to support each other as a family.”

Kinansela nga ang mga performances ng Ka sa MGM Grand dahil sa naganap na aksidente.

vuukle comment

CELSO AD CASTILLO

CELSO KID

CHRIS AD CASTILLO

DAN MOSQUEDA

GUY LALIBERTE

MARIA MERCEDES

MISIBIS BAY

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with