^

Pang Movies

Kim naitago ang problema ng pamilya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ipinagtanggol ni Mr. William Chiu ang kanyang anak, ang aktres na si Kim Chiu laban sa mga bumabatikos dahil umalis daw ang aktres patungong abroad habang nakaburol pa ang kanyang ina. Pero ipinaliwanag ng ama ng aktres na ang kanyang lakad patungong Thailand ay matagal nang naka-schedule dahil may kailangan siyang gawing isang commercial endorsement doon.

Ayaw nga raw sanang umalis ni Kim dahil sa burol ng kanyang inang si Mrs. Louella Chiu pero kung hindi naman siya tutuloy sa Thailand ay baka mademanda pa siya. May tickets na siya sa eroplano, pati ang kapatid niyang kasama niya, at naghihintay na rin sa Thailand ang mga makakasama niya sa trabaho.

Sa showbusiness ay may ganyang kalakaran. Kung sabihin nga nila na anuman ang mangyari, “The show must go on.” Diyan nakikita ang propesyonalismo ng isang aktres. Makikita ninyo siyang nakangiti kahit na napakalungkot nang nangyayari sa kanyang buhay.

Sinabi rin naman ng tatay ni Kim na hindi totoong hindi naalagaan ni Kim ang kanyang inang may sakit. In fact, noon nga raw buong panahon na nasa ospital ang nanay ni Kim, kailangan niyang magpunta sa Cebu kung hapon at magbalik naman sa Manila nang madaling araw para maharap niya ang kanyang trabaho. Talagang  malaking sakri­pisyo iyon para kay Kim pero ginawa niya dahil sa pagmamahal sa kanyang ina.

Maski naman noong araw eh basta natatanong si Kim tungkol sa kanyang mga magulang, alam mong siya ay isang masunurin at mapagmahal na anak. Ngayon nga lamang lumalabas na nagkatampuhan pala sila ng kanyang ama pero sa loob ng panahong iyon ay wala siyang sinasabi kanino man tungkol sa tampuhan. Ibig sabihin, binibigyan pa rin ni Kim ng proteksiyon ang kanyang pamilya.

Vina nanay na ni Jessy kahit mukhang bagets pa

Nagulat kami noong sabihin ni Jessy Mediola na ang gaganap na nanay niya sa Maria Mercedes ay si Vina Morales. Si Jessy ay 20 years old na. Kung sabagay, siguro nga kung maaga lamang nag-asawa si Vina, maaaring magkaroon na siya ng anak na kasing laki ni Jessy sa ngayon. Pero kung titingnan mo kasi si Vina, mukha pa rin siyang teenager hanggang ngayon eh. Kung sabagay sa kuwento naman ng Maria Mercedes ay talagang magaganda ang pamilya at masasabi nga sigurong magka-match lang sina Jessy at Vina.

Pero nakakagulat lang dahil natatandaan pa namin ang batang si Vina na naglalaro pa noon sa office ng Viva Films basta naroroon siya. Ngayon tingnan ninyo at nanay na ang kanyang role.

Mataas din naman ang pa­ngarap nila noon para kay Vina. Kaya nga lang maagang na-in love eh kaya medyo naharangan kung anuman ang dapat na mangyari pa sa career niya. Pero ang batang ’yan ang isa sa pinaka-talented na artistang nakilala namin.

Indie films umaasa lang sa promo sa Internet kaya nagpa-flop

Ano ang mali ng ilang indie films? Iyong sa palagay nila ay makaka-survive sila ng walang promo at ikakalat na lang nila sa Internet ang tungkol sa kanilang pelikula. Diyan sila bumabagsak eh. Tapos pipito lang ang nanonood sa kanila sa mga sinehan.

Minsan nakakaawa tuloy ang mga artista, nasasabihan ng flop pero kasalanan iyon ng producer kasi wala man lang promo ang pelikula nila.

vuukle comment

DIYAN

JESSY

JESSY MEDIOLA

KANYANG

KIM

KIM CHIU

KUNG

MARIA MERCEDES

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with