^

Pang Movies

Patalbugan ng mga tibo: Aiza at Charice magsasama sa isang concert

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dream come true para sa YouTube sensation at international singer na si Charice ang makasama for the first time ang kanyang idolo na si Aiza Seguerra.

Nagkasama ang dalawa sa Tambayan Hits concert ni Aiza at Noel Cabangon sa Makati City noong June 21 nang mula sa audience section ay tinawag siya at umakyat sa stage. Inawit nila ni Aiza ang acoustic version ng Titanium ni David Guetta.

Sa interview kay Charice sa Startalk TX noong Sabado, June 22 nasabi nitong, “I think lahat ng tao hinihintay ’yung duet na ’yun eh. And ’yung dinuet pa namin favorite song ko. Sobrang thankful ako. Thankful ako kay Aiza na ini-invite niya ako rito.”

Aminado si Charice na matagal na niyang idolo hindi lamang sa pagkanta kundi sa outlook sa buhay si Aiza.

At nang maimbitahan sa concert ng singer at ni Noel noong Biyernes, hindi na nagdalawang-isip ang international singer.

“Meron akong magandang istorya na talagang memorable. One time, sumali ako noong araw sa isang videoke singing contest, ang nabunot kong kanta, Pagdating ng Panahon  (Aiza’s biggest hit).

“Nanalo ako,” masayang kuwento ni Charice.

May mga nag-iisip na pagsamahin sina Charice at Aiza sa isang malaking concert.

“That will be an epic concert kung mangyayari iyon,” bulalas ni Charice. “Why not?”

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

AMINADO

BIYERNES

CHARICE

DAVID GUETTA

MAKATI CITY

NOEL CABANGON

TAMBAYAN HITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with