^

Pang Movies

Kapalaran ng My Lady Boss isinugal ni Mother Lily

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sana hindi makaapekto sa takilya ang bagong statement ni Mother Lily Monteverde tungkol kay Marian Rivera. Tuwiran kasing nasabi ni Mother Lily na nagsinungaling ang aktres upang maisalba ang kanyang star status.

Kundi, masasayang naman ang lahat ng pinaghirapan nila for the romantic/comedy flick. Sayang din naman ang biglang pag-uwi sa bansa ni Richard Gutierrez para mag-promote ng My Lady Boss.

Beteranang aktres na si Mila del Sol loyalista ni St. Joseph

Ginawaran ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang pre-and-post-war actress na si Mila del Sol ng Lifetime Achievement Award. Si Mila ay bahagi ng aking kabataan, dahil naging kapitbahay namin siya sa Benavides Street ng Chinatown, noong nasa grade school pa ako.

Lagi naming inaabangan ang isa sa mga pinakasikat na artista noong panahong iyon kapag dumaraan siya sa harap ng aming bahay. Tuwing hapon kasi nagnonobena siya sa kanyang patron saint na si St. Joseph, na patron din ng aming parish church na San Jose de Trozo.

Palagi niyang suot ang abitong berde na sinusuot din ng mga deboto ni San Jose. Kumakaway habang nakangiti si Mila kapag tinatawag namin.

Pinarangalan siya ng Gawad Urian award para sa mga pelikulang Giliw Ko (first starring role, kung saan kinanta ang Buhat), Orasang Ginto (directed by Manuel Conde at unang pelikula pagkatapos ng World War II), Ibong Adarna, Villa Hermosa, at marami pang iba. Siya ang nag-ugnay ng mga gawang sinauna sa makabagong industriya ng pelikula.

Kahit 90 years old na siya noong Mayo, malakas at elegante pa si Mila del Sol na ang pagkatanda ng marami sa atin ay ina ni Jeanne Young, na nasa Amerika ngayon at naglilingkod sa kumbento ng mga madre.

At alam ba ninyo na si Jeanne Young ay muntik nang maging madrasta ni Karylle? Niligawan ni Dr. Modesto Tatlonghari ang singing actress noong time na nagpo-produce siya ng mga album ng mga sacred song at mga kanta para kay Mama Mary.

That night na balak nang sagutin ang marriage proposal ni Dr. M (na ama ni Karylle at dating mister ni Zsa Zsa Padilla), nagkita pa kami ni Jeanne. Ang tanging hinihintay niya ay isang positive sign from heaven.

Kaya lang walang natanggap na signos si Jeanne kaya’t turned down ang marriage plan. After a while, nagpunta ng States ang actress/producer. Sana napaaga ang annulment nina Dr. M at Zsa Zsa kung tinanggap lang ni Jeanne Young ang proposal.

Sharon tuloy ang pagpapapayat kaya natatagalan ang musical show

Mukhang naiinip na ang mga Sharonian. Tahimik pa rin kasi ang showbiz career ng Megastar. Wala pang katiyakan kung kailan sisimulan ng TV5 ang kanyang bagong TV show.

Noon ay nabalita na isang tunay na musical show, na ala-An Evening with Pilita o Carmen Soriano on Camera, ang magiging bagong palabas ni Sharon Cuneta sa Kapatid Network.

Ang mga kadramahan kasi, nakareserba sa kanyang mga pelikula. Maganda sana ang timing dahil wala na sa ere ang Sarah G. Live. Kaya wala nang kalaban isa pang TV musical.

Well, siguro nasa reducing program pa si Shawie para makapagsuot ng magagarang long gown sa show kaya medyo na-delay ang bagong show.

Danny Tan hindi na nakabawi sa eskandalo

Ano na kaya ang nangyari sa career ng composer/musical director na si Danny Tan? Dati very active siya sa GMA 7 at pasimuno pa siya sa pagbibigay ng Kampi awards para sa music industry.

Nanahimik lang si Professor Tan nang ibunyag ng isang male singer ang isang ‘‘scandal.’’After that, wala na tayong narinig sa mahusay na musician. Sana mag-bounce back sa eksena si Danny Tan. Kailangan siya ng ating music/showbiz industry.

BB talbog sa kurba ng katawan ng kanyang Mommy Eva

Sa mga nakakitang sabay mag-swimming ang mag-inang BB Gandanghari at kanyang mom, sinabing higit na maganda pa ang katawan ni Eva Cariño sa anak.

Kaya lang hindi sila pumayag na kunan na nakalabas ang mga body beautiful suot ang bathing suit. Sana meron talagang ebidensiya.

 

vuukle comment

DANNY TAN

DR. M

JEANNE YOUNG

KAYA

SAN JOSE

SANA

SIYA

ST. JOSEPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with