^

Pang Movies

Uy biglang nag-iba ang ihip ng hangin, naengganyo sa sinabi ni Kim: Kris payag nang makipag-ayos kay James para kay Bimby

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kris Aquino was asked kung may pag-asa pa ba silang magkasundo ng dating asawang si James Yap alang-alang sa anak nilang si Bimby at say niya ibabase na lang niya ang sagot niya sa sagot ni Kim Chiu.

“I’ll take my cue from what Kim said, ‘Hindi dapat pinipilit, kusang mangyayari.’ Tinanong ko si Kim about that at ’yun ang sinabi niya.

“Sabi ko, ‘Uy, may wisdom ka na. Bongga!’

“So, ’yun din. Hindi ’yan pinipilit, kusang mangyayari, pero it comes from both. Sincerity is not a one-way-street,” rason ni Kris.

Well, at least, kahit paano ay open naman si Kris sa posibilidad ng pagkaka­ayos.

Samantala, ngayong two years na ang Kris TV, marami pa raw dapat aba­ngan sa kanyang morning show. Mayroon daw silang Baguio, La Union, kung saan ay makikitang nag-surfing si Bimby.

Yes, tuluy-tuloy pa rin ang Kris TV at hindi na nga matutuloy ang kanyang pagre-resign for now dahil bukod sa nag-usap na sila ng management tungkol dito, kino-consider din niya ang mga staff na mawawalan ng trabaho ’pag natigil ang show.

Pinayagan naman siyang mag-take ng leave of absence at okay naman sa kanya dahil tamang-tama na lilipat siya sa bagong nabiling bahay sa June.

Sa bandang South ang bagong bahay ni Kris at sinunod niya ang gusto ni Joshua na sa isang village sila tumira para nga naman makapag-bike-bike around ang panganay niyang anak.

Sa June 16 sila lilipat at 6:00 a.m. Ito raw kasi ang sabi ng feng shui expert at may mga dayap at incense pa raw na kailangang ipasok muna. Wala naman daw masasama kaya susundin niya.

Richard Yap susubok mangharana

Sa isang espesyal na gabi, ipamamalas ni Richard Yap, aka Papa Chen at Ser Chief, ang other side ng kanyang talent — at ito ay sa pagkanta. Manghaharana, magpapakilig, at aawitan niya ang mga tagahangang ’di siya iniiwan kaya nananatiling nangunguna ang teleserye niyang Be Careful With My Heart.

Inihahandog ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang Heart & Songs with Ser Chief at makakasama ni Richard sina Arjo Atayde, Janella Salvador, Michael Pangilinan, Marion Aunor, Betty La Fea, Bea Borres,  at Sexbomb Dancers. Ito ay magaganap sa Zirkoh, Morato, sa ika-13 ng Hulyo sa ganap na ika-10 ng gabi.

Sorpresahin kaya siya ni Maya (Jodi Sta. Maria)? Sa entablado ba magpo-propose si Sir Chief kay Maya?   

Para sa tiket, tumawag o mag-text sa 0917-8138266.

 

vuukle comment

ARJO ATAYDE

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEA BORRES

BETTY LA FEA

BIMBY

NIYA

RICHARD YAP

SER CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with