^

Pang Movies

Ryzza mabibili na ang pangarap na bahay, paluluwalan muna ng pera ni Vic para mabayaran ng cash!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napaka-blessed ng child wonder ng Eat Bulaga na si Ryzza Mae Dizon. Mas maaga niyang matatanggap ang wish niya na magka­roon ng sariling bahay na may garden na ma­paglalaruan niya. Naihanap na siya sa isang magandang village somewhere in Quezon City ng mga namamahala sa kanyang career, ng isang two-storey, three bedroom house. Kung walang raket ang bagets after ng Eat Bulaga mamaya, malamang mapuntahan na niya nang personal ang nasabing bahay. Nakita na niya sa ipad ang picture ng bahay at nagustuhan nila ito ng mommy niya. Ilang milyong piso rin ang halaga ng haus, may budget naman si Ryzza, pero kulang iyon kaya sasagutin na raw ni Bossing Vic (Sotto) ang balance, para cash na niyang mabili ang kanyang sariling bahay.

Still on Ryzza, napagalitan daw si Martin Nievera at manager nito nang malamang nag-guest ang Concert King sa The Ryzza Mae Show sa GMA7.  Exclusive daw ang contract ni Martin at hindi siya pwedeng mag-guest sa GMA show. Ayon sa manager ni Martin hindi raw nila alam na exclusive ang contract nito sa ABS-CBN. Tulad ni Bianca Gonzales na love na love si Ry­zza, gustung-gusto rin nitong mag-guest sa show ng bagets pero ayaw siyang payagan ng ABS-CBN dahil exclusive raw ang contract niya sa kanila.

Mag-a-unwind

Very interesting ang grand presscon ng My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera dahil parehong may issue ang dalawang bida ng rom-com movie na dinirek ni Jade Castro. Nalinawan naman ang mga issues, una ang tampuhan nina Marian at Mother Lily. Kay Richard, ang balitang mag-aaral siya sa Switzerland ng film directing. Natawa na lamang ang actor dahil nauna pa raw ang mga entertainment press magsabi na may plano na pala siya. Sa ngayon, he just want to take a break muna, i-assess ang sarili niya at mag-unwind after nag-expire ang kanyang contract sa GMA Network.

Ngayon ay naka-focus sina Marian at Richard sa promo ng movie nila na tuloy na ang showing sa July 3. May mga mall shows sila na magsisimula sa Sunday, June 23 sa SM Bacoor. Ayon sa dalawa, okey lamang na nausod ang showing nila dahil mas napaganda at naayos ang editing ng movie. 

Si Direk Jade naman kitang-kita raw ang chemistry nina Richard at Marian kaya hindi na niya kailangang bigyan ng maraming instructions kung ano ang gagawin ng dalawa. Sa June 30 ang premiere night ng movie sa SM Megamall.

Mommy ni Sarah L nasa ‘Pinas na?

Sayang at nakaalis na sina Richard at Marian after the presscon for a shoot ng promo material nila for the movie, kaya hindi na namin siya natanong tungkol sa balitang nakita raw nagsa-shopping sa SM Megamall ang mommy ng girlfriend na si Sarah Labhati. Kung totoo ang balita, baka hindi naman niya kasama si Sarah na sabi’y may naghihintay nang warrant of arrest sa kanya pagdating pa lamang niya sa airport.

 

vuukle comment

AYON

BIANCA GONZALES

BOSSING VIC

CONCERT KING

EAT BULAGA

JADE CASTRO

KAY RICHARD

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with