^

Pang Movies

Aktres-aktresan tabingi ang boobs

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Tabingi raw ang boobs ng young female star. Hindi raw balanse. Pilit lang ’yung cleavage na nagagawa ng bra niya. Flat kasi ang dibdib niya.

Hindi yata niya napansin na malaki ang kanyang kaliwang suso. Maliit o flat naman sa dakong kanan.

Direk Dante matiyagang magpaliwanag sa trabaho

Pinakabatang cinematographer na na-meet namin sa Philippine Movie Press Club seminar sa Sentosa, Elenita sa Lalakay, Los Baños, Laguna ay si Mackey Galvez. Ateneo grad siya at 28 years old. Eh ang kilala nating  showbizgrapher ay sina Romy Vitug at Joe Bataclan lang na gumawa ng magagandang kuha sa pelikula noon na karamihan ay classic na. Walang batang may titulong cinematographer sa pelikula. Kaya magugulat ka sa Atenean na si Mackey na paborito na rin ng mga movie producer at director especially ang mga indie filmmaker.

Another bagets sa movie industry sa sikat na sikat sa larangan ng indie film ay ang multi-awarded, at international pa ang mga napagwagihan niya, na si Brillante “Dante” Mendoza na ang isa sa obra maestro ay ang Thy Womb. Guest din siya sa seminar at siya naman ang nagkuwento tungkol sa filmmaking. Ang galing, galing ni Direk Dante kasi bawat tanong ng mga kasama sa PMPC sa open forum sa Sentosa Elenita ay buong linaw naipaliwanag nang detalye sa detalye.

Charice baka karmahin sa pagpapa-iyak ng lola at ina

Nakakalungkot ang nangyari kay Charice Pempengco and family. Okay na ’yung pag-amin at pagladlad ni Charice ng katauhan niya. Pero sana hindi nasira ang relasyon nilang mag-anak. Sana walang ina at lola na umiyak kasi baka maging bad karma kay Charice.

Kasabihan ng mga oldie na kapag umiyak ang ina dahil pinaiyak ng anak, malulungkot si Mama Mary. At dadamayan siya ni Lord Jesus. Hindi naman sinabing parurusahan ang anak na nagpaiyak sa ina. Kakatukin lang naman siya sa paraang mararamdaman kung anuman ang gustong ipadama ni God.

Debut ni Eula inisnab ng ama

Dapat daw ang first dance ni Eula Caballero sa kanyang 18th birthday (debut) na ginanap recently ay ang kanyang erpat pero hindi ito nakarating from Dubai kung saan ito naka-base.

Sad ang babaeng lumilipad sa Cassandra: Warrior Angel TV5 series pero no choice siya. The show must go on, sabi nga sa showbiz.

Kris gustong igapos si Bimby para hindi makawala

Saludo kami kay Kris Aquino sa pagiging ina niya. Hanga ako sa ginagawa niya kina Joshua at Bimby. Walang limitasyon ang pagmamahal sa mga anak. Pantay na pantay. May mga ina na malupit sa mga anak, minamaltrato, hindi pinakakain, mara­ming ganyan.

Ang sarap ng trato niya kay Joshua kahit isa itong special child. May tutor at nag-aaral sa isang exclusive school. May sariling nurse at yaya. Pinag-aral mag-drive ng car at pinag-aral ng swimming. Ayun at nag-slim down si Josh.

Ganun din ang pag-aasikaso kay Bimby na kulang na lang ay igapos ni Kris sa katawan niya lalo na’t nilalapitan ni James Yap para dalawin o hiramin.

Well, kaya rin siguro good karma si Kris at suwerte dahil sa love niya kina Joshua at Bimby.

 

vuukle comment

BIMBY

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

DIREK DANTE

EULA CABALLERO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with