^

Pang Movies

Maricar nakuha ni Richard sa mahabang usapan

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang kinilig noong mapanood sa telebisyon ang coverage ng kasalang Richard Poon at Maricar Reyes. Napaka-romantic ng couple na ito at sa kabila ng lahat nang pinagdaanan ng aktres na si Maricar ay happy ending ang naging love life nito. Unang nagkita ang dalawa nang magkasama sila sa isang music video ni Richard kung saan si Maricar ang kanyang naging leading lady.

Noong Lunes ng gabi, June 10 ay nagpaunlak ng interview ang bagong kasal sa  panayam ni Korina Sanchez sa TV Patrol  at tinanong sina Richard at Maricar kung sa shoot pa lang daw ba ay “Nag-fireworks ba, love at first sight.”

 â€œAko ata, crush at first sight. I saw Maricar in Betty La Fea and being Taiwanese… (after the shoot) I called her to say thank you.

“And that one call to say ‘thank you’ lasted for forty-five minutes,” sagot ni Richard.

Ayon naman kay Maricar, “After he thanked me, I think during that time nga, I was ano, e…taping when he called.

“It was a break during taping, pero okay pa rin, e, parang lagi siyang merong topic na nabi-bring up na, ‘Uy, okay ‘tong pag-usapan, a.’”

Tanong ni Korina: “Kung siya instant sa ‘yo (Richard), ikaw (Maricar), kailan ka talaga na parang nagustuhan mo na rin siya?”

Tugon ni Maricar, “Ako naman kasi, basta nakukuha mo ako with conversation, parang napapaisip ako, ‘Puwede ‘to, e.’

“Pero yun muna kasi I’m very guarded. I’ve become very guarded.”

Isang taon daw lumayo si Richard kay Maricar matapos noon dahil gusto muna niyang makasiguro sa kanyang damdamin para sa actress-model.

Tanong ni Korina kay Richard: “So what made you be sure?”

Sagot ng singer, “After one year, wala akong ibang…walang nag-trigger ng heart ko the way na pag nakikita ko siya.

“I knew that siya na.”

At noong nakaraang taon, 2012, hiningi na raw ni Richard ang mga kamay ni Maricar sa mga magulang nito.

Pero kaunti lang daw ang nakakaalam na engaged na sila.

Kasunod nito, plinano na raw nila ang isang simple at private Christian wedding na naganap nga kahapon, June 9, sa Bellevue Hotel, Alabang.

Tanong ni Korina: “Ano ang napaparamdam sa ‘yo ni Richard?”

Seryosong sagot ni Maricar, “Importante ako. And I’m worth a lot.”

Sa kasunod na sagot ni Maricar ay naiyak na ito nang tuluyan.

Sabi niya, “Kasi it’s a nice in anything and something na dapat ma-grasp na lahat ng babae na yun yung dapat hanapin nila—yung someone that they’re… they want to end up with.

“Kasi ako, it’s nice to end up… a, alam ko kasi, parang dati hindi ko naisip na baka wala nang guys na ganun, so it’s nice to know na meron pala.

“You know, you can set your standards high, and trust that God will give you that standard.”

Sa huli kinantahan naman ni Richard ang asawa ng ilang linya mula sa awitin nitong  I’ll Take Care of You:

“I’ll take care of you, don’t be sad, don’t be blue. Just count on me your whole life through, And I’ll take care of you.”

Plano raw ng dalawa na tumulak ng Taiwan para sa kanilang honeymoon.                                                                    

 

vuukle comment

BELLEVUE HOTEL

BETTY LA FEA

KASI

KORINA

KORINA SANCHEZ

MARICAR

RICHARD

TANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with