^

Pang Movies

Tom Cruise at Mark Wahlberg interesado sa pelikula nina Piolo at Gerald

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mababasa sa Internet ang balak ng grupo nina Tom Cruise at Mark Wahlberg na gumawa ng Hollywood version ng On the Job, na kabibili pa lang ng U.S./North America distribution rights for US$12 million.

Si Direktor Erik Matti mismo ang nagkuwento na tumawag sa kanya si Wahlberg for the said remake. Hindi pa naman sila nagkasundo tungkol dito. Ang sigurado ay ang exhibition ng On the Job sa mainstream theater circuit all over the U.S.A. and Canada, bago matapos ang 2013.

Kung sakaling matuloy ang On the Job remake baka si Tom Cruise ang gumanap na lead role. Posible pang makasama ang mga Pinoy actors sa project, tulad nina Joel Torre, Piolo Pascual, at Gerald Anderson.

Stage mother materyoso sa manliligaw ng anak na actress

Nakasimangot ang stage mother tuwing dadalaw ang young actor na ka-love team ng kanyang anak sa kanilang bahay.

Lagi kasing mga flowers at chocolate lang ang bigay sa kanyang daughter. Reklamo ng mader, nalalanta lang ang roses at nakakataba ang tsokolate. At least mga imported chocolates ang baon ng kanyang mga anak sa school!

Abot-tenga naman ang ngiti niya kapag ang rich suitor ng dalagita ang bumibisita. Pati kasi siya gibsung ng mga expensive, signature accessories ng manliligaw. Kapag dumami pa ang mayamang may kursunada sa kanyang daughter baka makapagpatayo ng signature boutique ang materyosang nanay.

Acting ni Richard pinag-uusapan pa rin

Sinusubaybayan na ang My Husband’s Lover pero pinag-uusapan pa ang husay sa pag-arte ni Richard Gutierrez, sa katatapos na Love & Lies ng GMA-7.

Humanga ang mga nakapanood kay Chard, lalo na sa huling limang araw ng action/teledrama. Nagtaka ang iba kung saan hinugot ng aktor ang ma­tinding emosyon, gayung masagana at maligaya ang kanyang buhay, simula pagkabata hanggang ngayon.

Madali naman gawin ni Chard ang magdrama sa sitwasyon ngayon, sobrang layo ang pagkahiwalay nila ni Sarah Lahbati. Isipin lang niya ang nawalay na girlfriend, malulungkot at makakapag-emote na siya ng todo.

Sa ngayon ay kasalukuyang magkasama ang magkarelasyon sa Italy kaya masasabing masaya na naman si Richard

Lipstick ni Eula may problema

Gabi-gabi pinapanood ng aking mga apo ang Casandra: Warrior Angel on TV5. Siyempre nasusubaybayan din namin ang palabas na bida sina Eula Caballero, Gabby Concepcion, at Eula Valdez.

Maayos naman ang tele-fantasy at okay ang mga special effects; pati na ang acting ng buong cast, ang nakaka-distract lang ay ang kulay ng lipstick ni Cassandra. Ewan kung choice ito ng production designer o pinili mismo ni Eula Caballero. Mukhang hindi bagay sa lips ng isang modern angel.

Sa tuwing nakikita ang fez ni Eula, umuusli ang kanyang mga labi dahil sa kakaibang shade ng lipstick.

Album ni Daniel hindi matinag sa no. 1

Ang hirap tibagin sa No.1 slot ang DJP (2nd album) CD ni Daniel Padilla. Nasa top spot itong muli sa over-all charts at maging sa OPM top hits, this week.

Ano nga ba ang magic ng teen idol at tuloy ang malakas na benta ng kanyang mga albums? Sa laki ng royalty na kanyang tatanggapin from his record company, mayaman na mayaman na ang singer/actor.

Nasa fourth place pa rin ang Me, You & the Music ni Jessica Sanchez.

Geneva maligaya na sa ibang lalaki

Habang maligaya ang kanyang dating boyfriend na si KC Montero with his new partner sa ating bansa, higit na masaya naman si Geneva Cruz sa kanyang brief stay sa Bangkok Thailand. Sa mga litratong nasa Instagram ni Gen, maligaya siya sa pi­ling ng kanyang handsome boyfriend na si Lee.

vuukle comment

BANGKOK THAILAND

DANIEL PADILLA

EULA CABALLERO

KANYANG

ON THE JOB

TOM CRUISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with