Boys sa LUV U lalarga
MANILA, Philippines - Lalarga ang boys ng LUV U habang wala sina Camille (Miles Ocampo), April (Angeli GonzaÂlez) at Whitney (Kiray Celis). Nagplanong pumunta sa Ayala TechnoHub sina JB (Marco Gumabao), Boom (CJ Navato) at Rocky (Igi Boy Flores). Sila-sila lang dapat nandoon base sa plano pero biglang inimbita ni si Rocky si Mariana (Ella Cruz) nang ’di alam nina JB at Boom. Tuloy, inimbita na rin ng dalawa si Aly (Lisa Soberano) at Pia (Trina Legazpi) para hindi ma-OP si Mariana.
Ano ang totoong intensiyon ni Rocky sa pag-imbita kay Mariana? Type ba niya si Mariana? Anong magiging reaksiyon ng dalaga? Abangan ang mga kasagutan sa LUV U ngayong Linggo (Hunyo 9) na mapapanood sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng ASAP 18.
- Latest