^

Pang Movies

Pelikula ni Vice Ganda tuloy na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Magsisimula na ang shooting ng pelikula ni Vice Ganda sa Viva Films.

‘Yan ang balita na nasagap ko mula kay June Rufino nang magkita kami kahapon sa burol ng kanyang asawa.

Genesis ni Dingdong mag-uumpisa na

Malapit na ring magsimula ang taping ng Genesis, ang teleserye na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Mag-uumpisa sa buwan na ito ang taping ng new project ni Dingdong sa Kapuso Network.

APO NI LT BIBANG-BIBA

Ang sarap ng mga pagkain kagabi sa 5th death anniversary ni Rudy Fer­nandez.

Very intimate pa ang dinner na ginanap sa Milky Way sa Pasay Road dahil mga Pinoy food ang ipinahanda ni Lorna Tolentino.

Bibang-biba ang apo ni Lorna na si Tori. Imagine, one year and six months old pa lang si Tori pero memoryado na niya ang alphabet.

Mukhang magiging artista rin si Tori balang-araw dahil susundan niya ang yapak ng kanyang lolo at lola.

Makakatikim na naman ako ng mga prutas mula sa Cavite farm ni Lorna.

Binigyan niya ako kahapon ng mga papaya at dragon fruits.

In fairness, matatamis ang mga prutas na tanim sa farm ni Lorna. Natikman ko na noon ang mga pinya na ubod ng tamis at talagang hindi nakakasawa na kainin.

Dennis sanay na sanay nang maging bading

Gandang-ganda ako sa music video ng My Husband’s Lover.

Malakas ang feeling ko na magiging hit ang bagong primetime show ng GMA 7 na mag-uumpisa sa Lunes.

Ang husay-husay ni Dennis Trillo na gumanap na bading.

I’m sure, mananalo siya ng acting award sa role niya sa My Husband’s Lover.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

JUNE RUFINO

KAPUSO NETWORK

LORNA

LORNA TOLENTINO

MILKY WAY

MY HUSBAND

PASAY ROAD

RUDY FER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with