^

Pang Movies

Juana Change nakikita na ang ‘flower’!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sinong may sabi na seksing pangangatawan lang ang puwedeng ibilad sa Playboy Magazine. Aba puwede rin ang mataba. Ayon kay Mae Paner o Juana Change ay nainterbyu na siya at nagpose sa Playboy Magazine na lalabas daw sa June issue.

Sinasabi ng komedyana na malaki mismo ang kanyang ipinagbago laluna ang katawan kung saan nakapagbawas siya ng 88 lbs.

“Noong mataba pa ako at humaharap sa salamin ay hindi ko makita ang akong kepyas pero ngayon nakikita ko na ito kapag nanalamin ako.”

Palabas na simula kahapon Juana C the Movie kung saan nagbukas ito sa 35 sinehan. Sinuportahan ang komedyana ng kanyang mga tagahanga na aliw na aliw kapag napapanood siya sa You Tube o naging guest sa TV shows.

Kahit malalim ang tema ng movie ay hinaluan naman ito ng katatawanan kaya aliw na aliw ang mga manonood laluna sa mga eksenang siya’y na­ging prostitute.

Magaling ang direktor na si Jade Castro at sa magandang script ni Rudy Vera.

Palabas na ito sa mga sinehan mula sa Laganap Productions at ini-release ng Solar Entertainment Corporation.

Raymond, hiwalay na naman

Sa presscon ng Mga Basang Sisiw ay nalaman namin na hiwalay na sa isang American singer-composer na nobya si Raymond Bagatsing.

Nasa Amerika ito ay inaasikaso ang kanyang career. May agent pa rin ang aktor sa US pag kailangan siya nito for a project there ay pupunta siya rito. Pero sa ngayon ay mas prayoridad niya ang career.

Asawa ni Raymond Bagatsing si Lani Mercado kung saan may lima silang anak sa nasabing serye.

Nagsimula nang ipalabas ang Mga Basang Sisiw pagkatapos ng Eat Bulaga.

 

 

vuukle comment

EAT BULAGA

JADE CASTRO

JUANA C THE MOVIE

JUANA CHANGE

LAGANAP PRODUCTIONS

LANI MERCADO

MAE PANER

MGA BASANG SISIW

PLAYBOY MAGAZINE

RAYMOND BAGATSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with