^

Pang Movies

Maja gabi-gabi ipinagdarasal si Kim!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa panayam kay Maja Salvador sa The Buzz aired last Sunday, kinumusta sa kanya ng host na si Boy Abunda ang relasyon nila ngayon ni Kim Chiu at ayon sa young actress ay hindi niya masasabing civil dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap.

Gaano kahirap na kasama niya si Kim sa bawat taping at sa bawat eksena sa Ina, Kapatid, Anak?

“’Yung pupunta ka sa set na iba na pero kailangan mong magtrabaho at kailangan mong gawin ng tama ’yung trabaho mo,” she said.

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni Kim na “it’s easy to forgive but it’s so hard to forget”?

“Rerespetohin ko na lang po ’yun,” maikling sagot ni Maja na halatang gustong maiyak.

Maja also revealed na gabi-gabi ay ipinagdadasal niyang magkaayos na sila ng dating best friend.

Aminado naman ang young actress na hindi lahat nang ginagawa niya ay tama sa paningin ng iba ka­hit para sa kanya ay tama. And sa mga pagkakataong ganito, she just only prays na sana ay lagi siyang gabayan ni Lord sa kanyang mga desisyon.

Kapatid ni KC kilig na kilig kay Sam

Nagkaroon ng special advanced screening ang comeback teleserye ni Judy Ann Santos na Huwag Ka Lang Mawawala last Sunday na ginanap sa Resorts World Cinema.

Of course, present ang aktres at kasama rin niya ang mister na si Ryan Agoncillo. Naroroon din ang iba pang cast na sina Sam Milby, KC Concepcion, Tirso Cruz III, John Estrada, Empress, among others.

Dumating din sa screening ang ama ni KC na si Gabby Concepcion para suportahan ang anak at kasama pa nito ang anak nila ni Grace Ibuna na si Garrie.

Habang nanonood ay kilig na kilig si Garrie kay Sam at sa tuwing lalabas sa screen ang aktor ay nagsu-swoon ang bagets.

Ipinalabas sa screening ang first week ng serye and we’d say kakaiba nga ito sa mga typical tele­serye na napapanood natin. Ibang putahe naman ito at tama nga ang sinabi ni Juday na ibang Sam and KC ang mapapanood natin dito.

Kung ilang beses pinalakpakan si KC ng kanyang fans sa mga eksena ng young actress kaya for sure ay proud daddy si Gabo habang nanonood.

May mga iyakan scene agad si Juday at base sa napanood namin hindi halatang nahihirapan na siyang magpatulo ng luha tulad ng kuwento niya dahil parang gripo pa rin ang kanyang mga mata sa pag-agos ng kanyang mga luha.

Sam is sooo super hot dito kaya hindi kami nagtataka na kinikilig ang anak nina Gabby and Grace.

Mabilis ang pacing ng kuwento sa pilot week na umikot sa pagkakakilala nina Juday and Sam hanggang sa magpakasal. Na-establish na rin ang karakter ni Sam at naipakita na agad ang bitter and painful childhood memories niya.

Ipinakita na rin ang love team nina Empress at Joseph Marco although sa pilot week ay hindi pa sila nagkakakilala.

Mula sa direksiyon nina Malu Sevilla, Jerry Lopez-Sineneng, at Tots Sanchez-Mariscal, magsisimula na sa June 17 ang Huwag Ka Lang Mawawala at siyang papalit sa Ina, Kapatid, Anak na magtatapos na on June 14.

 

vuukle comment

ANAK

GABBY AND GRACE

GABBY CONCEPCION

GARRIE

GRACE IBUNA

HUWAG KA LANG MAWAWALA

INA

JERRY LOPEZ-SINENENG

KAPATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with