^

Pang Movies

Nora hinatian sa TF ang crew, libre meryenda at masahe pa

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Tinutupad naman pala ni Nora Aunor ang pangako niya sa TV5 na “magpapakabait” na siya ngayon.

Katunayan, sa kuwento ni Direk Mes de Guzman, wala raw silang naging problema habang ginagawa nila ang indie film na may pamagat na Kuwento ni Mabuti para sa CineFilipino na si Ate Guy ang bida.

Kahit daw sa isang liblib na lugar pa ng Nueva Ejica ginawa ang pelikula ay walang angal na sumugod dun si Ate Guy. At nagtiyaga pang mag-aral ng Ilocano na ginamit sa movie. Mismong si Nora pa ang nangungulit sa kanyang coach hanggang makuha nito ang tamang punto. Kinabahan kasi si Nora dahil isa siyang Bicolano. Kahit mahirap ang naging pag-aaral niya, mabuti na lang at pasensiyoso ang kanyang coah kaya hindi sila tumigil hanggang hindi nakuha ng Superstar ang tamang punto ng isang Ilocano.

Hindi naman dapat mag-alala ang fans ni Ate Guy kahit Ilocano ang ginamit niya sa bagong movie dahil gagawan ni Direk Mes ng subtitle na English para maka-relate sa kuwento ng pelikula ang lahat ng mga manonood. Bukod sa may plano ring ilaban ang movie sa filmfest sa abroad.

Dinagdag pa ni Direk Mes na pati ang suweldo ni Ate Guy ay nai-share pa nito sa kanilang crew. Kaya busog daw sila sa meryenda habang nagsyu-shoot at may bonus pa silang masahe sa mga pagod na tauhan after ng kanilang shooting mula kay Ate Guy.

Action scenes sa Fast & Furious 6 pinapalakpakan

Hanggang ngayon ay humahataw pa ang Fast & Furious 6 fever sa mga sinehan dahil pinipilahan na ito ngayon.

Sinabi ni Vin Diesel na “magical” ang dating sa kanyang ng bansang ’Pinas at sa overwhelming na pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy nung dumayo siya at tatlo pang co-stars para sa promotion ng kanilang pelikula.

Hindi mabibigo ang mga tagahanga sa mga habulan at maaaksiyong eksena sa ika-anim na Fast & Furious. Ilang beses pinalakpakan ang mga magaganda nilang eksena nung nag-premiere night ito.

Ang Fast & Furious at released ng Solar Films dito sa ’Pinas.

 

vuukle comment

ANG FAST

ATE GUY

BICOLANO

DIREK MES

KAHIT

NORA

NUEVA EJICA

SOLAR FILMS

VIN DIESEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with