^

Pang Movies

Rochelle kahati lagi ang BF sa mga gastos sa date

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nagdiwang ng kanyang kaarawan noong May 23 si Rochelle Pa­ngilinan pero tahimik lang dahil nasa Boracay ang dancer-actress para sa Kapuso Olympics. Ang kanyang wishes ay tahimik na buhay at masayang love life.

Unti-unti nang nabayaran ni Rochelle ang kanyang mga kompromisong bayarin kaya ngayon ay wala na siyang problema.

Masaya rin ang kanilang relasyon ni Arthur Solinap at going strong pa rin sila at five years na. Pero wala pa sa plano nila ang pagpapakasal dahil gusto muna nilang mag-ipon ng pera. May sugar cane plantation ang ama ng actor boyfriend at magkasyoso sila rito.

Maganda ang panuntunan ni Rochelle dahil ayaw niyang si Arthur lang ang gumagastos kapag nagdi-dinner date sila o nanonood ng sine. Gusto ng dalaga na hati sila sa lahat ng gastos. Katuwiran ng sexy dancer ay pareho naman silang may trabaho.

Juana Change pumasok na high-class prosti!

Isang dating aktibista si Mae Paner na lalong nakilala bilang Juana Change. First time nitong gumawa ng pelikula bilang si Juana Change sa sexy comedy film pero makabuluhan dahil naglalayon ito sa kanyang advocacy campaign laban sa corruption, exploitation, at social injustice. Sa pamamagitan ng videos, live events, appearances, short plays, at ngayon ay isang pelikula, ang Juana Change Movement (grupo ni Mae) ay umaasang maipagpapatuloy ang nasimulang advocacy tungkol sa pagmamahal sa bansa.

Gustong maabot ni Juana Change ang mga moviegoer na walang gustong panoorin kundi ’yung pang-showbiz lang. Gusto nilang magkaroon ng paninindigan ang mga mamamayan tungkol sa mga social at political issue naman. Ang critical thinking at social action ay hindi naman dapat maging kill joy. Ito ang mensahe ng movement at ng indie film na Juana C: The Movie.

Umiikot ang istorya tungkol kay Juana Change na isang katutubo na napadpad ng Maynila para rito mag-aral. Na-culture shock ang babaeng katutubo at ikinahiya na ng mahadera ang kanyang angkan, kahirapan, at pinagmulang lugar. Binago ni Juana ang kanyang imahe, nagba-bar hopping siya at tila pampered na kolehiyala para ma-in sa kanyang mundo.

Upang masustentuhan ang kapritso ay pumasok itong high-class sa plus-size escort service para sa mga chubby na chicks.

Si Juana ay nakapasok din sa mundo ng mga makapangyarihan, mga huwes na may presyo, mga pulitikong walang delikadeza, at dito mabubuksan ang kamalayan sa mga pangunahing problema sa lipunan.

Sinulat ni Rody Vera at sa direksiyon ni Jade Castro ng Zombadings fame, palabas na ang Juana C: The Movie sa June 5 under Laganap Productions at iri-release ng Solar Entertainment Corporation.

 

vuukle comment

ARTHUR SOLINAP

JADE CASTRO

JUANA

JUANA C

JUANA CHANGE

JUANA CHANGE MOVEMENT

KANYANG

KAPUSO OLYMPICS

LAGANAP PRODUCTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with